Ang daga

 

Illustration by Pixabay


Ni Mariz Alliah K. Peñaflor


Nagtago ang daga sa likod ng pader

isang malaking balakid ito

sa pusang nakaabang.

Habang nanginginig ang bubwit

nagngangalit naman ang ngipin

ng halimaw.

Habang sabay na pumapatak ang pawis at dugo

sa dulo ng kanyang daliri,

patuloy niyang ginuguhit ang 

munting pamamaalam

upang sa gayon, maabot man ng pusa

ang kanyang leeg, di mabubura 

ang kanyang bakas.

Comments