Ni Mariz Peñaflor
“MAMA!”
Bungad ni Jing kay mama.
Mugto nanaman ang mga mata n’ya
Sa buong magdamag na pag-iyak.
“Ma, san ba kayo
galing?”
Usisa ko naman nang may pag-aalala.
Sana dumating ang araw
Na hindi na niya kaylangang umagahin.
“Rumaket lang anak, para may bigas tayo.
Sabi ni mama nang nakangiti.
“Basta, mag-aral kayo nang mabuti.”
Dama ko ang bigat ng
bawat pantig.
“Ikaw talaga Jing,
alam mo namang nagtrabaho lang si mama.
Hayaan mo, masarap ang ulam
Ngayon saka bukas.”
Paglaki ko, pangako
Iaahon ko si mama sa raket na panggabi
Pero sa ngayon, sasabihin ko muna ang mga salitang ito
“Mama, salamat po sa inyo.”

Comments
Post a Comment