Ni Mariz Alliah K. Peṅaflor
2020
Mga Tauhan
Lola
Turing
Pinang
Isa
Lito
Carding
Anita
Ana
Joy
Dra.
Ferrer
Tagpuan
Maynila, kasalukuyan
Unang Yugto
Scene 1.1
Makikita si Lola Turing na umiiandayog
sa musika na nagmumula sa radio.
001
Ana: (Hihinaan ang musika) Lola, palagi n’yo na lang pong pinapatugtog ang
kantang ito. Halos gasgas na itong cassette tape. Ayaw n’yo pa po ba itong
palitan?
002
Turing: Apo, ang awiting ito kasi ang madalas naming sayawin ng Lolo mo. Kaya
kahit wala na siya, kapag pinapatugtog ko ito ay bumabalik ang aming masasayang
ala-ala.
003
Ana: Kayo talaga Lola, hinding-hindi n’yo pa rin nalilimutan ang nakaraan.
004
Turing: Syempre naman apo, matalas pa ang memorya ng Lola mo. Isa pa, ang
masayang alaala ay hindi talaga kinakalimutan.
005
Ana: Paano nga po ulit kayo nagkakilala ni Lolo Anchay? Taga-quezon din po ba
s’ya?
006
Turing: Hindi apo, isang dayo doon ang Lolo mo. Nagtagpo kami sa isang
napakagandang gabi. Kami ng Lola Leticia ninyo ay minsang pumuslit papunta sa
sayawan sa plaza. Ayaw na ayaw kasi ng tatay naming na lumalabas kami ng bahay.
Doon sa sayawan ko nakilala ang Lolo mo.
007
Ana: Paano po?
008
Turing: Aba’y syempre, natipuhan ako ng Lolo mo kaya’y nilapitan n’ya ako.
009
Ana: Siguro po kayo ang pinakamaganda noong gabing iyon.
010
Turing: (Matatawa) Ikaw talaga apo, manang-mana ka sa pagiging bolero ng Lolo
mo.
011
Ana: Hindi po, totoo po ang sinasabi ko. Kahit may edad na po kayo angat na
angat pa rin ang inyong ganda Lola.
012
Turing: Iyan din ang laging sinasabi ng Lolo mo.
Habang sumasayaw si Lola Turing. Lalabas si
Joy mula sa kwarto.
013
Joy:(Papatayin ang musika) Lola sorry po ah, pero nanonood po kasi kami ng mga
friends ko sa kwarto eh, medyo maingay po yung music. Sorry po Lola, mamaya na
lang po kayo magpatugtog. Thank you. (aalis)
014
Ana: Hay, sige po Lola, mamaya na lang po tayo magkuwentuhan. Magsasaing po
muna ako at baka mapagalitan na ‘ko ni mama. (aalis)
Makalipas ang ilang minuto,
darating si Anita.
015
Anita: O nay, hindi pa po kayo nakagayak? Anong oras na ah, baka mahuli na tayo
sa appointment natin sa doktor. Ang bilin ko pa naman sa inyo ay dapat
nakabihis na kayo para pagkatapos ko mamalengke ay diretso na tayo sa ospital.
016
Turing: Pasensya ka na anak, nalibang pala ako sa pagsasayaw, hindi ko
namalayan ang oras.
017
Anita: Kayo talaga nay, sabi ko naman kasi sa inyo bawas-bawasan n’yo yang
kakasayaw, eh kaya ho yata sumasakit na yang mga kasukasuan ninyo eh masyado na
kayong napapagod.
018
Turing: Anak, wala naman akong ibang mapagkaabalahan dito sa bahay bukod sa
pagsasayaw.
019
Anita: Eh di ba may TV naman ho tayo, samahan ninyo manood ang mga bata para
hindi kayo nababagot.
020
Turing: Ay, hindi ko naman maintindihan yung pinapanood nila eh. Kung hindi
Ingles ay Koreano ba yung sinasabi? Hindi ko rin naman mabasa yung nakasulat sa
ilalim.
021
Anita: Ay siya, mababagot talaga kayo n’yan. Sige na nay, gumayak na kayo at
aalis na tayo.
022
Turing: Ay sige eto na, mag-aalampay lang ako sandal. Paki-abot nga anak yung
sandalyas ko syan sa ilalim ng sofa.
Pagkatapos magsandalyas ay
aalis na sina Lola Turing at Anita.
Scene 2
Sa opisina ni Dra. Ferrer
023
Dra: Nay, ito po ang resulta ng x-ray ninyo. Wala naman hong problema sa inyong
likod. Pero, dahil na rin ho sa inyong edad ay ina-advice ko po na iwasan na po
natin yung pagbubuhat-buhat ng mabigat o yung sobrang exercise dahil habang
nagkaka-edad ang isang tao nagiging fragile na rin ang mga buto natin.
024
Anita: Naku Dok, mabuti na lang ho at walang pilay itong si nanay, Ang
kulit-kulit ho eh sabi ko naman kasi bawas-bawasan na ang pagsasayaw. Sa umaga ay
may Zumba na, aba’y pag-uwi sa bahay sumasayaw nanaman. O ayan nay ha, narinig
n’yo yung sinabi ni Dok.
025
Dra: Okay lang naman po iyon Mrs. Otero, yun nga lang kaylangan nang konting
paghihinay-hinay, para hindi po mapilayan si nanay.
026
Turing: Pasensya na Dok, eh kasi naman kapag hindi ako gumalaw-galaw pakiramdam
ko nanghihina naman ako.
027
Dra: Kung ganun po nanay, maghanap rin po kayo ng iba pang mapagkakaabalahan
bukod sa pagsasayaw, gaya ng paglalaro ng board games, o pag-ga-gardening ng
konti. Yung mga hindi masyadong mabigat pero malilibang ho kayo. At s aka ho
babantayan n’yo rin yung inakain ninyo para hindi tumaas ulit ang BP ninyo.
Delikado ho kapag inatake ulit kayo.
028
Anita: Maraming salamat po Doktora, mauna na rin po kami at gumagabi na.
029
Dra: Sige ho, mag-iingat po kayo.
Aalis na sina Lola Turing at
Anita.
Scene 3
Sa bangketa. Makikita
Ang mga tindera sa kalsada.
030
Anita: Nakakaawa naman yung matanda ano? Nasaan kaya ang pamilya n’ya at
pinabayaan naman s’ya dito sa kalsada?
031
Turing: Aba’y halika, eh may kaunting pera ako dito, eh itulong na natin ito sa
kanya.
032
Anita: Nay, gusto ko rin naman s’ya tulungan, pero tayo din kasi
nangangailangan ng pera ngayon, itabi n’yo na iyan dahil bibili pa kayo ng
vitaimins n’yo. Saka napakarami nating basahan sa bahay.
033
Turing: Ano ka ba anak, kaunti lang naman ito saka minsan lang naman tayo
nagbibigay. Eh maswerte na nga ako sayo at inaalagaan mo ako, eh yung pamilya
n’ya iniwan na s’ya hindi ba? Tingnan mo nga nakakapag-vitamins pa ako kahit
papaano.
034
Anita: Hay, ikaw talaga nanay ang hilig sa kawang-gawa. Sige na nga po alam ko
namang hindi kayo titigil hangga’t hindi kayo pinagbibigyan.
Bibili ng basahan.
035
Turing: Ale, magkano ho ba yang tinda n’yo?
036
Pinang: tatlo P10 lang ho.
037
Turing: Ay s’ya bigyan mo nga ako ng halagang P100.
038
Pinang: Salamat ho.
039
Anita: Wala ho ba kayong kasamang nagtitinda? Pagabi na ho ah.
040
Pinang: Ay naku nag-iisa na lang ho ako sa buhay. Saka ditto na rin ho ako
natutulog.
041
Turing: Talaga? Hindi ba delikado dito, saka masyadong malamig, magkakasakit
ka.
042
Pinang: Eh ganoon talaga magkakakilala naman kami dito. At saka wala naman
kaming ibang pupuntahan.
043
Turing: Ano mo bang pangalan mo?
044
Pinang: Pinang ho
045
Turing: Ako naman si Turing. Ito naman ang anak kong si Anita.
046 Lito: O Pinang
mukhang paubos na yang tinda mo ah
047 Pinang: Ay oo,
pinakyaw na nitong si Aling Turing.
048
Lito: Aba’y ang swerte mo naman pala. Ale baka gusto mo rin ng tsinelas. Tamang-tama
magaganda at matitibay ho ang mga tinda ko.
049
Turing: Naku sa susunod na ho at wala na ho akong pera dine.
050
Isa: Ikaw talaga Lito, pasensya na ho kayo ah ganyan lang ho talaga yan.
051
Turing: Ayos lang ho magaganda naman ho talga ang mga tinda n’ya.
052
Pinang: S’ya nga pala si Lito, ito naman si Isa. Mga kasama ko sila dito.
053
Anita: S’ya sige ho nanay Pinang, nanay Isa, at tatay Lito kailangan na rin po
naming umalis. Mag-iingat po kayo dito ah. Tara na nay at gumagabi na.
054
Pinang: Sige ho, Salamat.
Scene 4
Sa opisina ni Dra. Ferrer.
055
Dra: Aba mukhang maganda ko yata ang aura n’yo ngayon nanay ah.
056
Anita: Paano ho dok, may nakakakuwentuhan na si nanay ngayon. Aba’y araw-araw
na lang n’yang inuupuan yung mga nagtitinda doon sa bangketa.
057
Turing: Eh paano’y wala naman akong ibang ginagawa hindi ba?
058
Dra: Oo nga naman Mrs. Otera, mas maganda nga ho na may nakakausap na si nanay
na kaedaran n’ya dahil mas sumisigla s’ya. At kapag ganoon na hindi stress si nanay
mas hindi manghihina ang immune system n’ya.
059
Anita: Salamat ho Doktora. Mauna na ho kami. (aalis)
Scene 5
Makalipas ang isang linggo.
Sa bangketa
060
Pinang: Ang aga yata ng pamamalengke mo ah
061
Turing: Hindi ano ka ba, pinasyalan talga kita dine sa pwesto mo.
062
Pinang: Ay talaga ba? Ay s’ya maupo ka muna dine, kainit-init ba’t dito ka
naman namamasyal?
063
Turing: Eh nakakabagot din naman yung palagi ka lang sa bahay, at saka maigi na
rin ito para makapaglakad-lakad ng konti, exercise ba.
064
Pinang: Wala ka bang mga apo?
065
Turing: Meron, kaso malalaki na sila may mga kanya-kanya nang ginagawa. Hindi
ko na sila masyadong nakakausap.
066
Pinang: Ganyan talaga ang buhay natin. Tingnan mo nga ako, naiwan na lang na
nag-iisa.
067
Turing: Eh nasaan ba ang pamilya mo?
068
Pinang: Matagal ko na silang hindi kasama. May dalawampung taon na rin siguro.
Scene 5.1
(Flashback)
Sa bahay nina Pinang
069
Julia: Nay, ito nga po pala si Gary, asawa ko.
070
Pinang: Akala ko ba magtatrabaho ka lang sa Maynila para makaipon ng pampaaral
mo. Hindi ko naman akaling babalik ka dito nang may asawa’t anak na.
071
Julia: Nay huwag kayong mag-alala, hindi namna kami magiging pabigat sa inyo.
Nagpunta lang kami dito para personal na magpaalam. Sa Maynila na po kami
titira, sa mga magulang ni Gary.
072
Pinang: Kaylan kayo magpapakasal?
073
Gary: Nag-iipon pa po kami.
074
Pinang: Hindi n’yo man lang ipinakita sa akin ang apo ko.
075
Julia: Hindi na po naisama, may sakit hi kasi si Harvy, pinabantayan ko muna sa
nanay ni Gary.
076
Gary: Sige ho nanay Pinang, aalis na kami at baka ho hindi namin maabutan ang
huling byahe ng bus. (aalis)
Scene 5.2
Sa bangketa.
077
Pinang: Tatlo ang mga anak ko. Lahat sila nagsipag-asawa na, eh sa hirap ng
buhay hindi rin naman nila ako mabisita. Pamisan-minsan naman tinatawagan ako
ng mga anak ko, d’yan sa tindahan sa kanto, kasi wala naman akong cell phone.
078
Turing: Eh nasaan ba ang asawa mo?
079
Pinang: Matagal na akong walang asawa, bata pa lang ang mga anak ko iniwan na
kami nun para sumama sa babae n’ya.
080
Turing: Pareho pala tayo, yun nga lang namatay naman sa stroke yung sa akin
noong isang taon.
Darating si Carding at Lito.
Magsisimula na ring dumating ang iba pang nagtitinda.
081
Carding: O Pinang ang aga mong nagtinda ah. Sino itong kasama mo? Bagong tindera
ba s’ya dito sa bangketa?
082
Lito: Hindi s’ya tindera dito suki yan ni Pinang.
083
Pinang: Ito nga pala si Turing. S’ya yung kinukwento ko na namakyaw ng tinda
kong basahan kahapon. Nagulat nga ako at napadaan ulit s’ya dito. Turing, s’ya
naman si Carding.
084
Turing: Magandang umaga ho. Mukhang masarap ho yang tinda ninyo ah.
085
Carding: Aba’y oo naman bagong luto lahat itong mga kakanin
086
Turing: Kayo po ba ang gumagawa nito?
087
Carding: Hindi eh, kinukuha ko lang d’yan sa kakilala ko. Marunong naman ako
gumawa ng ganito ang kaso dito lang naman kami sa bangketa nakatira, wala nmaan
kaming gamit.
088
Turing: Talaga? Lahat ba kayo any dito sa bangketa natutulog?
089
Lito: Ay oo, wala naman kaming mga pamilya dito sa Maynila eh.
090
Turing: Paano ho ba kayo napadpad dito sa Maynila?
091
Lito: Noon kasing kabataan ko nilayasan ko yung mga magulang ko. Ang sabi ko
ayaw kong matulad sa tatay ko, napabayaan n’ya kami dahil sa bisyo. Napadpad
ako dito sa Maynila mga dekada-ochenta pa. Nakapag-asawa naman ako kaso dahil
sa hirap ng buhay, walang maayos na trabaho, wala naman akong pinag-aralan eh,
kaya ayun hiniwalayan na lang n’ya ako.
Scene 5.3
(Flash back)
Sa bahay nina Lito
092
Lito: Akala ko ba napag-usapan na natin to? Di ba sabi ko naman sa’yo konting
tiis lang makakahanap rin ako ng maayos na trabaho.
093
Gina: Hanggang kaylan pa ba ako magtitiis Lito? Lito manganganak na ko sa
pangatlo nating anak oh, pero hanggang ngayon wala ka pa ring maayos na
trabaho. Paano tayo mabubuhay ng ganito? Uuwi na lang ako sa amin, mabuti pa sa
probinsya may kakainin kami ng mga anak ko.
Scene 5.4
094
Lito: Matagal-tagal na rin siguro noong huli kong nadalaw ang mga anak ko, wala
naman kasi akong pagkukuhanan ng pamasahe. Gusto ko sanang tumira doon kasama
nila kaso nahihiya naman ako sa mga asawa nila ayaw ko namang maging pabigat.
095
Carding: Pare-pareho lang tayo ng kapalaran. Maalat din ang kabataan ko eh kaya
ganito tumanda na lang ako sa kalsada. Pero malaki naman kasi ang kasalanan ko
sa mga anak ko kaya karma ko siguro ito. Noon kasi madami akong nobya,
palibhasa mayroon akong maayos na trabaho. Operator ako ng palabas sa sinehan
d’yan sa may Recto noong araw. Kapag walang gaanong tao, dinadala ko d’yan ang
mga nobya ko. Lahat yon naanakan ko pero wala akong pinakasalan kahit isa.
Scene 5.5
(Flashback)
Sa parke.
096
Lilet: Ano Carding hindi mo ako pakakasalan? Anong sasabihin ko sa mga magulang
ko?
097
Carding: Ano kaya kung ipalaglag mo na lang yan. Hindi pa ko handing
magpakasal.
098
Lilet: Ano? Pati ang walang kamalay-malay na sanggol sasaktan mo? Sabihin mo
sa’kin, siguro may iba ka bang nobya kaya hindi mo ko kayang panagutan no?
099
Carding: Wala, wala ikaw lang ang babae sa buhay ko. Hindi naman sa ayoko ng
responsibilidad, hindi pa lang talaga ako handa.
100
Lilet: Wala ka talagang kwenta! Alam mo bang dahil dito pwede akong mapatay ni
papa? Tapos na tayo ayaw kong gisnan ng anak ko ang iresponsableng lalaki na
tulad mo!
Scene 5.6
101
Carding: Siguro sa mahigit sampung naging anak ko mga tatlo lang ang nakilala
ko sa kanila. Pero ngayon, kahit sa tatlong anak kong yon wala na rin akong
balita.
102
Isa: Nakakalungkot naman pala ang buhay mo, maigi pa rin ako kahit papaano
dahil nakakausap ko pa yung dalawang anak ko. Eh kaya nga ako nagtatrabaho pa
hanggang ngayon para may maipadala man lang ako sa kanila sa Cebu. Dahil wala
rin namang hanapbuhay na maayos doon ang mga anak ko.
103
Pinang: Huwag na ninyong masyado pang isipin ang nakaraan. Ang mahalaga ngayon
eh may pamilya na rin tayo hindi ba? Sino-sino pa ba ang magtutulungan sa
kalsada, eh di tayo-tayo rin?
104
Turing: OO nga naman. Tama si Pinang, sa ganitong edad, wala nang iba pang mas makapagpapaligaya
sa atin bukod sa isang pamilyang kakalinga at magmamahal.
105
Lito: Sinabi n’yo pa, kung wala siguro kayo ay baka matagal na akong namatay
dito sa bangketa.
Scene 6
Makikitang nagsisinop na ng tinda
ang mga tindera at aalis.
Maiiwan ang ilang palaboy.
Magsisimulang maglatag ng
higaan.
106
Carding: Taga-saan ba si Turing?
107
Pinang: Taga d’yan lang sa subdibisyon.
108
Isa: Kahit papaano ay maganda siguro ang buhay n’ya ano?
109
Pinang: Siguro kasi lagi naman s’yang nakapustura. At saka mukhang inaalagaan
s’ya ng anak n’ya.
110
Lito: Nakakalungkot lang isipin na wala tayong mga pamilya na kumakalinga rin
sa atin.
111
Isa: Sana naman ay dumating yung araw na hindi na tayo matutulog sa kalsada.
Aba’y sumasakit na ang likod ko sa lamig ng semento.
112
Lito: Darating pa kaya iyon?
113
Carding: Hay, eh wala naman sigurong masamang mangarap.
Magsisitulog na ang lahat. May
darating na dalawang lasing.
114
lasing 1: Pare, ang sabi ko sa’yo huwag kang makikipagtalo dun kay pareng
Chukoy. Tingnan mo, napalayas tayo sa inuman. (itatapon ang upos na sigarilyong
hawak)
115
lasing 2: Pinagtanggol lang kita pare. Pasalamat yang Chukoy nay an ayaw ko ng
away kundi baka binangasan ko yan.
116
lasing 1: Tara na pare, ihahatid na kita baka nagwawala na si mareng Josie.
117
lasing 2: Hayaan mo y’on sanay na ko sa asawa kong daig pa ang tandang pumutak.
(Magtatawanan)
Maya-maya ay magsisimulang
magliyab ng mga panindang nalaglagan ng upos na sigarilyo.)
118
palaboy 1: Mga kasama gising may sunog!
119
palaboy 2: Dali nasusunog ang mga paninda. Kumuha kayo ng tubig dali!
120
Isa: Pinang, Lito, Carding, gising, nasusunog ang bangketa!
Tapos
ng Unang Yugto
Ikalawang
Yugto
Scene 1
Sa sala nina Turing.
Kinabukasan.
121
Ana: Lola ang dami naman po ng ulam na dala n’yo. Saan po ba kayo pupunta?
122
Turing: Pupunta ako sa bangketa. Dadalhan ko ng meryenda yun mga kaibigan kong
tinder doon.
123
Ana: Napapansin ko nga na parang palagi po kayong masaya ngayon ah. Sino-sino
po ba ang mga kakwentuhan ninyo doon?
124
Turing: Eh mga kaedaran ko din sila. Mga wala na silang pamilya kaya sa
bangketa na lang sila natutulog. Naisip ko dalhan sila ng ulam para naman
makakain sila ng maayos.
125
Ana: Ang bait talaga ng Lola ko.
Darating si Joy.
126
Joy: Lola, may check-up po kayo ngayon?
127
Turing: Hindi apo, pupunta lang ako d’yan sa bangketa. Dadalhan ko ng ulam yung
mga kaibigan ko na nagtitinda d’yan.
128
Joy: Speaking of, nagkasunog d’yan sa bangketa kagabi ah, nabasa ko lang sa
facebook. Parang halos lahat ng stalls at paninda nasira daw eh.
129
Turing: Ha?! Eh tara na apo, punatahan na natin sila agad!
Scene 2
Sa bangketa. Makikita
ang sunog na mga gamit.
130
Turing: Pinang! Isa!
131
Pinang: Turing! Nandito kami(umiiyak).
132
Turing: Kumusta kayo? May nasaktan ba sa inyo?
133
Pinang: Ayos lang naman kami, yun nga lang lahat ng paninda namin natupok
(umiiyak)
134
Lito: Pati nga kamo higaan at damit hindi naming naisalba eh.
135
Carding: Mabilis lang na nawala lahat, bago pa dumating ang mga bumbero eh
natupok na. Wala na rin yung aming mga puhunan.
136
Isa: Paano na tayo nito…
137
Turing: Ay s’ya sumama muna kayo sa amin habang wal pa kayong matutuluyan.
138
Joy: (pabulong) Pero Lola, hindi po papayag si mama, kilala n’yo naman poi yon
ayaw n’ya ng may kung sino-sinong pinapapasok sa bahay.
139
Turing: Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Anita. Hindi ko naman sila kayang
tiisin dito.
Scene 3
Sa sala nina Turing.
140
Anita: Nay, ba’t n’yo naman po sila dinala dito? Hindi naman po tayo charity
center.
141
Turing: Anak, kahit pansamantala lang sana hangga’t wal pa silang matutuluyan.
142
Anita: Nanay naman eh, dapat ho inilapit n’yo na lang sila sa barangay, at
least doon pwede na silang dalhin sa shelter.
143
Turing: Hindi ba pwedeng dito muna sila habang hindi pa natin sila nailalapit
sa barangay?
144
Anita: Ano pa nga ba, hindi naman kayo nakikinig sa akin. Ayoko lang sana na
may kung anu-ano ho silang gagalawin dito dahil mahirap na ho, nag-iingat lang
ho tayo.
145
Turing: Ako na ang bahala anak. Mababait naman sina Pinang.
Aalis si Anita.
146
Turing: pasensya na kayo sa anak ko ah. Ganyan lang yan magsalita pero mabait
yan. Dito muna kayo sa amin habang hindi pa tayo nakakalapit sa barangay.
147
Isa: Naku Turing, salamat! Maraming salamat!
148
Carding: Para hindi naman nakakahiya, maghahanapbuhay pa rin kami kahit nandito
kami. Marunong naman ako gumawa ng kakanin eh.
149
Pinang: Ako rin kayang-kaya kong tahiin yung mga basahan na tinitinda ko.
150
Turing: Tamang-tama, matagal ko nang hindi nagagamit yung sewing machine d’yan,
eh kinakalawang na maiging magamit para hindi masira.
151
Isa: Pwedeng-pwede akong tumulong sa pananahi ni Pinang. Madali lang naman
magtahi eh
152
Lito: Kung gayon magpapaturo naman ako kay Carding gumawa ng kakanin para mas
madali tayong makabangon.
153
Turing: Aba’y maganda yang naisip n’yo bukas na bukas simulant na natin ang
pagnenegosyo!
Scene 4
Sa barangay.
154
Kap: Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo ma’am?
155
Anita: Naghahanap ho kasi kami ng libreng Home for the Aged. Mayroon po kasi
kaming kinupkop na apat na matatanda na dati hong nakatira d’yan sa nasunog na
bangketa.
156
Kap: Meron ho tayong mga libreng Home for the Aged. Yung nga lang dito po sa
atin, ang pinakamalapit na ho siguro ay ang GRACES o Golden Reception and
Action Center for the Elderly and Other Special Cases sa Quezon City po ma’am.
Sandali ho at ibibigay ko po ang address sa inyo.
157
Anita: Marami ho bang dinadala doon? Saka maaalagaan ho kaya sila ng mabuti
doon?
158
Kap: Opo naman. Sa katunayan, mas ina-advice po namin na kapag meron po talagang
mga nakatatanda na nakikita nating nasa kalasada, mas maigi ho na dalhin na
lamang sa mga shelter dahil doon po ay may maayos silang matutuyan, makakin at
mabibigyan pa ng medical attention. Maganda ho ang ginawa ninyong paglapit sa
amin ma’am. Ito po ang kanilang address at contact number. (May iaabot na
papel).
159
Anita: Maraming salamat po.
Scene 5
Sa terrace. Makikita ni Anita na
busy sina Turing.
Maririnig ang mga paboritong
tugtugin ni Turing. Ang mga lolo at lola ay napapaindak sa tugtugin.
160
Anita: May, ano po ba ang ginagawa ninyo?
161
Turing: Eh naisip nina Pinang na ipagpatuloy yung paggawa nila ng kakanin
sakapagtatahi ng basahan para makatulong sa atin.
162
Anita: Naku salamat ho. Eh hindi n’yo naman ho kailangang gawin yan dahil nakausap
ko naman na ho yung taga-shelter. Ang sabi nila ay baka next week ay pwede na
tayong magpunta doon. Ihahanda lang nila ang mga gagamitin ninyo.
163
Pinang: Ay salamat ho. Eh syempre ho gusto pa rin naming makatulong sa inyo
habang nandito kami.
164
Isa: Eh sana lang ay pwede pa rin ako maghanap-buhay pagdating doon dahil
inaalala ko rin yunng mga apo ko sa probinsya.
165
Lito: O siya, ipagpatuloy na natin ito para makabenta tayo agad. Para naman
bago tayo pumunta sa shelter ay makapagpadala ka pa sa Cebu, at nang masabi mo
na rin sa mga anak mo ang nangyari sa atin.
166
Anita: Mukhang masarap yang niluto ninyo ah. Pwede ba akong bumili ng isa?
167
Carding: Ay syempre ako galing yata ako gumawa ng kakanin!
168
Isa: Ayan Carding may Buena-mano ka na. Magandang senyales yan sa negosyo
natin!
(magtatawanan
ang lahat).
169
Pinang: Maraming salamat talaga Turing at kinupkop ninyo kami. Akala ko talaga
ay sa habang buhay na lang kaming nasa kalsada. Dahil sa inyo magkakaroon na
kami ng bagong tahanan.
170
Turing: Ay sus, ako nga ang natutuwa dahil nakatulong ako sa inyo.
171
Anita: Totoo po iyan. Simula ho noong namatay si itay, sobra ho talagang
nalungkot si inay. Pero noong nakilala n’ya ho kayo, araw-araw ko na siyang
nakikitang tumatawa. Kaya malaki rin ho ang pasasalamat ko sa inyo.
172
Lito: O tara na, ilabas na natin ang mga paninda para makabenta na tayo.
Scene 6
Sa kwarto ni Turing.Kinagabihan.
Makikita si Turing na nagbuburda
173
Ana: Ano po yan Lola? Gabi nap o ah, hindi pa po ba kao inaantok?
174
Turing: Hindi pa apo. Nagbuburda ako ng mga panyo para sa inyo.
175
Ana: Talaga po? Marunong po pala kayo n’yan? Ngayon ko lang po kayo nakitang
nagburda Lola.
176
Turing: Aba’y oo naman, ang mga kababaihan noong panahon ko ay tinuturuan ng
mga ganitong gawaing kamay.
177
Ana: Gusto ko rin po matuto n’yan! Pwede ko po bang makita? Wow! Ang ganda!
178
Turing: Pwede mo bang tawagin si Joy at ang mama mo, para maibigay ko ang mga
panyong ito?
179
Ana: Sige po. (aalis)
Babalik si Ana kasama si Joy at
Anita makalipas ang ilang minute.
180
Ana: Ma, tingnan n’yo po itong regalo ni Lola sa’tin!
181
Joy: Wow! Ang ganda naman nito Lola!
182
Turing: Talaga? Nagustuhan ninyo?
183
Joy: Opo Lola. Ang linaw pa po ng mga mata ninyo. Napakalinis po ng pagkakatahi
nito.
184
Turing: Salamat apo.
185
Ana: Lola bakit n’yo po pala kami binibigyan ng regalo? Ano po bang meron?
186
Turing: Wala naman apo gusto ko lang kayo bigyan ng espesyal na mga alaala.
Masayang-masaya talaga ako na kayo ang pamilya ko. Sa edad kong ito, kahit
mahina na ako hindi n’yo ako pinabayaan kahit minsan, kaya nagpapasalamat ako
sa Diyos na kayo ang ibinigay Niya sa akin.
187
Joy: Parang nagiging ma-drama po yata kayo nitong mga nagdaang araw ah Lola.
188
Anita: Sige na mga anak gabi na, magsitulog na tayo. Inay, huwag po kayong
magpupyat ah ipagpabukas n’yo na po ang pananahi.
189
Turing: Hindi anak, tapos na ito. Matutulog na rin ako.
Scene 7
Sa sala. Kinabukasan.
190
Pinang: Anong oras na ba? Mukhang tanghali nang nagising si Turing ngayon ah.
191
Isa: Oo nga ano. May sakit ba siya ngayon?
192
Anita: Magandang umaga ho sa inyo. Aba, alasis pa lang ay nakaluto na ho pala
kayo ng kakanin!
193
Carding: Oo Anita, kailangan talaga maaga para madami rin ang mabenta.
Humahangos na papasok si Ana.
194
Ana: Nay, si Lola po kanina ko pa po siya ginigising, pero hindi po s’ya
nagigising!
195
Anita: Ha?!
Nagmamadali na pupunta ang
lahat sa kuwarto ni Turing.
Scene 8
Sa sala. Makikita ang
lahat na nakasuot ng itim.
196
Anita: Ngayong araw na rin pala ang alis ng mga Lolo at Lola ninyo.
Nakakalungkot naman dahil kalilibing pa lang ni Inay. Kung isipin napamahal na
rin sila sa atin ano?
197
Ana: Ma, hindi po ba pwede na dito na lang sila sa atin?
198
Anita: Gusto ko mang gawin iyan pero hindi naman natin sila kayang suportahan
lahat. Sa edad nina nanay Pinang, kailangan na nila ng sapat na pagkain, gatas,
vitamins, hindi natin kaya i-provide lahat iyon.
Darating
sina Pinang at Isa.
199
Pinang: Pwede ba kami makisali sa usapan ninyo?
200
Anita: Nanay Pinang, Nanay Isa, kayo po pala. Maupo po kayo.
201
Isa: Eh narinig namin ang usapan ninyo. Huwag kayong mag-alala, pupwede n’yo
naman kami dalawin sa shelter eh. At saka ayaw rin naman namin maging pasanin
pa ninyo sa araw-araw.
202
Pinang: Masaya na kami na pinatuloy n’yo kami dito kahit saglit na panahon
lamang. Kung tutuusin, higit pa sa matutuluyan ang inalok ninyo, kundi isang
napakagandang pamilya. Maraming salamat sa inyo.
Scene 9
Sa tapat ng shelter. Makikita ang
Apat na Lolo at Lola.
203
Carding: Hay, nandito na tayo sa bago nating tahanan!
204
Pinang: Sayang at hindi ito nakita ni Turing ano?
205
Lito: Oo nga eh nakakalungkot naman na hindi tayo nagkasama-sama ng matagal.
206
Isa: Sinabi mo pa, pero ang mahalaga mananatili s’ya sa ating alaala.
207
Lito: Tama, magkakaibigan tayong lahat hanggang sa huli nating hininga.
Magtatawanan ang lahat.
WAKAS

Comments
Post a Comment