Inosente

Illustration from Pixabay 




Ni Mariz Alliah K. Peṅaflor

2020



Mga Tauhan

 

Lara Paz – first honor mula pre-school. Nanggaling sa mahirap na pamilya. Nag-aaral ng mabuti upang makakuha ng scholarship.

June Lopez- second honor mula elememtary. May kaya sa buhay. Tahimik sa klase pero laging mataas ang score sa mga class activities.

Tessa Solis- third honor. Hindi malamangan sina June at Lara. Anak ni Dr, Solis.

Bryan “Buboy” Pinlac- May autism. Magaling sa gawang kamay pero dahil slow-learner pagdating sa academics ay mababa ang grades. Naggaling sa mahirap na pamilya.

Abby San Juan- Tenth honor. Kaibigan ni Tessa.

Bradley Ramos- Kaibigan ni Tessa. May kaya sa buhay. Mababa ang grades.

Robert Talavera- Kaibigan ni Tessa. Mababa ang grades.

Jaymar Montalvo- Kaibigan ni Tessa. Mababa ang grades

Arian Orbon- Kaibigan ni Tessa. Katamtaman ang grades

Jen-Jen Juanani- slow-learner. Mababa ang grades

Claire Hermosa- kaibigan ni Lara. Katamtaman ang grades.

Letty Cruz- kaibigan ni Lara. Katamtaman ang grades.

Ms. Olivia Salvador- Head of Prefect Discipline

Ms. Aileen Francisco- adviser ng STEM 12- Rose

Dr. Teresita Solis- Principal at may-ari ng paaralan. Nanay ni Tessa

Mrs. Anita Alcaraz- Nanay ni June

Mr. Juancho Alcaraz- Stepdad ni June. Isang reporter sa local TV station.

Mrs. Linda Pinlac- nanay ni Buboy.

 

Tagpuan

Bongabon, Nueva Ecija, Marso 2021

 

Unang Yugto

 

Unang Tagpo

Makikita ang mga mag-aral na abalang-abala

sa pagsagot sa exam, habang ang guro ay nagmamasid.

Tutunog ang bell. Lalabas na ang ibang estudyante

001 Tessa: Huh! Ano ba naman yan, hindi nanaman lumabas yung mga nireview ko!

002 Bradley: Ang sabihin mo hindi ka talaga nag-review.

003 Tessa: Wow! Nagsalita ang masipag. Wag mo nga ako igaya sa’yo, at least ako nagbabasa di katulad mo kumukopya pa kay Jen-jen.

004 Robert: Boom! Ano ka ngayon pare. Payag ka nun?

005 Bradley: Sira! Nakita mo ba ha?

006 Tessa: Mas sira ka! palusot ka pa eh, obvious kaya! Di ko nga alam kung bakit di ka nahuhuli ni ma’am. 

007 Bradley: Napalingon lang ako sa kanya kanina pero di ako kumokopya. Alam ko kaya yung mga sagot.

008 Tessa: Weh?

009 Jaymar: Kaya ka pala bagsak lagi boss eh, sa maling papel ka kumukopya. Dun sa walang sagot!

010 Arian: Uy ang sama n’yo binubully n’yo yung tao.

011 Jaymar:  binubully daw? biro lang naman ah.

012 Arian: kahit na no.

013 Abby: Pero medyo totoo. Ang slow n’ya talaga. Simpleng division of polynomials hindi n’ya makuha promise. Nakita ko yung notebook n’ya wala s’yang natatama sa mga assignments natin.

014 Tessa: Uy grabe kayo baka mamaya marinig n’ya na pinag-uusapan n’yo sya.

015 Abby: Di naman sa ganun inexplain ko lang yung nakita ko.

016 Jaymar: Uy pero wag kayo ah, mas matalino naman s’ya kay Buboy.

(magpipigil ng tawa ang lahat)

017 Abby: Alam mo Jaymar...

018 Bradley: Pati yung autistic inaaway n’yo ah.

019 Jaymar: Anong inanaway, ang bait ko nga eh, binibigyan ko kaya s’ya ng sagot

020 Tessa: Alam n’yo guys, tara na, magrereview pa tayo.

 

Ikalawang Tagpo

Sa Principal’s Office. Kakausapin ni

Ms. Fancisco ang Principal tungkol sa

first day ng exit exam.

021 Dr. Solis: I heard na maganda raw ang performance ng klase mo sa exit exam. Ipagpatuloy mo lang yan at paniguradong makakakuha tayo ng local popularity. That is the perfect promotion for the next school year!

022 Ms. Francisco: Ma’am yun nga po ang sadya ko sa inyo. I think something is wrong about the result. Two-thirds ng STEM 12 ang pumasa at one-third po ang nanggaling sa klase ko. Bukod pa dito, halos maperfect nila ang exam kahit yung mga estudyante na hindi naman maganda ang performance sa klase.

023 Dr. Solis: Ms Francisco, hindi ka ba natutuwa na pumasa sila? I thought that was a very fortunate news.

024 Ms. Francisco: Hindi naman po sa ganun ma’am. I’m just saying that maybe may-

025 Dr. Solis: Cheating, is that what you are trying to say?

Hindi sasagot si Ms. Francisco

026 Dr. Solis: Ms. Francisco, you know your advisory class more than I do, but at this point in time, I don’t think it’s necessary to accuse them. You know what I mean.

027 Ms. Francisco: I understand you ma’am… pero sa palagay ko kailangan pa rin natin itong tingnan dahil hindi maliit na bagay ang dayain ang score sa exit exam, lalo na kung …

028 Dr. Solis: I know, I know. So ano ang sinasabi mong dapat gawin? Dapat ba natin itong palawakin pa? Tandaan mo, malapit na ang graduation. Good score will give us more popularity sa mga parents, and more access to university affiliation. Magandang endorsement yun. Di ba nanggaling sa Perpetual at Lyceum ang mga medals last year, and this year even Malayan is willing to grant college scholarships. I don’t think that it is a good timing for petty investigations like this. Ang kailangan nating gawin ay paghandaan ang graduation day para hindi tayo mapahiya sa mga bisita. Alam kong mahalaga sayo ang trabaho mo, and this endorsement will bring our school to the next level. Ang isipin mo na lang, because of that good score, you can be nominated for performance appraisal di ba?

029 Ms. Francisco: Pero ma’am---

030 Dr. Solis: Ms. Francisco I am very busy right now. Siguro sa susunod na lang natin pas-usapan ang bagay na ito.

 

Ikatlong Tagpo

 Sa lobby. Nag-uusap sina Lara at Claire

Kinabukasan

031 Letty: Hindi talaga ‘ko makapaniwala! Si Tessa naka-perfect sa tatlong exam??

032 Claire: Sinabi mo pa si Bradley nga eh saka si Robert, apat lang mali? Huh-huh!

033 Letty: Nandaya yang mga yan, for sure. Imposible naman na madaig nila si Lara no?

034 Lara: Ano’ng score ni June?

035 Claire: 91-93-90. Imagine nadaig s’ya ni Tessa at Abby? WOW! Ikaw nga nahihirapan na kay June tapos mauungusan lang s’ya ni Abby? Unbelievable!

036 Letty: Ang dudugas talaga. Pa’no na’yan Lara, baka si Tessa ang mag-valedictorian.

037 Lara: Syempre hindi ako papayag kung sa kadayaan lang n’y nakuha yung 100 n’ya. Pero hindi naman tayo pwede magbintang lang di ba? Baka tayo pa mapasama n’on.

038 Letty: Hindi ba ‘yon napansin ni ma’am? Ang suspicious kaya.

039 Claire: Syempre hindi yun papansinin ni ma’am kasi si Tessa yun eh. Kapag pinagbintangan n’ya si Tessa baka tanggalin s’ya ni Dr. Solis.

040 Letty: Ang swerte naman n’ya, kahit hindi sya mag-aral ipapapasa s’ya ng mama n’ya.

041 Lara: Alam n’yo tigilan na natin ‘tong pag-tsi-tsismisan. Umuwi na tayo dahil may exam pa bukas.

 

Ika-apat na Tagpo

Sa classroom. Makikita ang mga mag-aaral

na nag-rereview habang wala pa ang proctor.

 

042 Jen-Jen: Tessa, paturo naman nito o, hindi ko kasi ma-gets kung pa’no kinukuha yung coordinates.

043 Tessa: Uhm, sorry Jen-Jen pero nagrereview din kasi ako eh, dapat kahapon ka lumapit sa’kin.

044 Jen-Jen: Ganun ba, di kasi kita naabutan kahapon. Sige thank you.

045: Abby: Don’t worry Jen-Jen papakopyahin na lang kita.

046 Jen-Jen: sorry ah

Uupo na si Jen-Jen sa tabi ni Abby. Mapapailing si Lara sa narinig n’ya. Papasok si Ms. Framcisco. Magkukumahog ang mga estudyante sa pagbalik sa kanya-kanyang upuan

047 Ms. F: Okay class, balik na sa mga upuan n’yo magsisimula na ang exam. This is the second day of your exit exam. The subjects that you will be taking today are General Mathematics, World Literature and Philippine Constitution. I hope nagreview kayo ng mabuti.

Ipapamahagi ni Ms. Francisco ang mga test papers. Magsisimula ang lahat sa pagsagot. Makikita ang panakaw-nakaw na sulyapan ng ilang estudyante sa blind sight ng guro. Tutunog ang bell makalipas ang tatlong oras.

048 Ms. F: Okay class, that’s all for today. Pass on your exam papers. Then you may leave.

049 Lara: Ma’am

050 Ms. F: Yes?

051 Lara: Tungkol po sa resulta ng first day, feeling ko po may cheating na naganap. Kasi po, imposible naman po na maging ganun ka taas ang score ng mga classmates ko.

052 Ms. F: Lara, I understand how you feel. I know that you wanted to remain in the first honor position. Pero hindi mo pwedeng pagbintangan ang mga classmates mo unless proven.

053 Lara: Opo ma’am. Pero ang sa’kin lang po, nag-aral po kasi ako ng mabuti. Ang unfair naman po kung ang magiging valedictorian yung nandaya sa exams. Sana poi check n’yo pa rin. Sige po.

Lalabas si Lara at maiiwan si Ms. Francisco na nag-iisip. Papasok si Buboy.

054 Buboy: Ma’am

055 Ms. F: O Buboy, ba’t di ka pa umuuwi

056 Buboy: Ma’am, ka-kasi po hi-hingi po ako tu-long.

057 Ms. F: Tulong saan?

058 Buboy: Ma’am, pu-pwede po ba humiram ng pera… wa-wala pa po kaka-si pera si nanay pam-bayad sa gr-graduation.

059 Ms. F: Naku Buboy, wala pa rin kasi akong pera eh, pero sige ako muna ang bahala ako na ang bahalang mag-explain sa registrar.

060 Buboy: Sa-salamat po ma’am. Si-sige po

061 Ms. F: Sandali lang Buboy.

062 Buboy: Po?

063 Ms. F: Maganda ang mga resulta ng exam mo ah. I’m really proud of you. Dapat sa mga susunod na exams ganito ulit ha? Para hindi masayang ang paghihirap n’yo ng nanay mo.

064 Buboy: O-opo.

065 Ms. F: Inaasar ka pa ba ng mga classmates mo?

066 Buboy: Hi-hindi na po. Maba-bait po si-sila. Tinu-tu-lungan po nila ako pu-pumasa.

067 Ms. F: Maganda yan! Mabuti naman.

068 Buboy: Si-sige po ma’am (nakangiting aalis)

 

Ikalimang Tagpo

Sa cafeteria.

Makikitang nag-uusap sina Lara.

069 Letty: Anong sabi ni Ms. Francisco?

070 Claire: Ano pa nga ba? Eh di syempre hindi pumayag si ma’am kasi si Tessa yun eh

071 Lara: May point naman si ma’am, unless may ebidensya tayo saka lang magiging valid yung binibintang ko.

072 Letty: Ba’t ba kaya hindi sila nahuhuli ni ma’am?

073 Claire: O baka naman kasi sadyang hindi hinuhuli… alam mo na…

074 Letty: So pa’no na ngayon yan Lara? Pag mas mataas ulit ang score ni Tessa sa inyo ni June baka s’ya na ang mag-valedictorian.

075 Lara: Ang mabuti pa hulihin natin sila sa mismong exam. May last day pa pwede ko pa sila ibuko.

 

Ikaanim na Tagpo

Sa lobby. Sasalubungin ni Lara

si June.

076 Lara: June!

077 June: Bakit?

078 Lara: Nakita mo na yung scores mo sa second day?

079 June: Oo bakit?

080 Lara: Okay lang sa’yo na mas mataas sina Bradley?

081 June: Ewan.

082 Lara: Ewan? Hindi ka ba worried na baka may mga kodigo sila? Gusto mo bang malaglag sa rank 2?

083 June: Wala akong pakialam sa kanila.

084 Lara: Ako rin naman walang pakialam kung dayain nila ang sarili nila. Pero ibang kaso‘to, dinadamay nila tayo. Classmates na tayo mula elementary kaya kilala mo ‘ko. Alam mo kung anong klaseng buhay meron ang pamilya ko. Kaylangan kong makuha yung scholarship! Kaya please lang, tulungan mo’ko.

085 June: Pag-iisipan ko.

086 Lara: Pag-iisipan? Bukas na kaya yung exam, kelan mo pa ‘ko matutulungan? Nagsayang lang ako ng oras. (Disappointed na aalis.)

 

Ikapitong Tagpo

Sa hapag-kainan. Nagbabasa ng

dyaryo ang kanyang stepdad ni June

habang naghahanda ng hapunan

si Anita

 

087 June: Nandito na po ako ma

089 Mr. Alcaraz: Hindi mo ba ako babatiin?

090 June: (buntong hiniga)Nandito na po ako tito.

091 Anita: Maupo ka muna ditto anak para makapaghapunan na tayo.

092 Mr. Alcaraz: Kumusta ang exam mo?

093 June: Ayos lang.

094 Mr. Alcaraz: Kapag maganda ang grades mo pwede kitang ipasok bilang scholar ng istasyon. Ano bang kurso ang gusto mo?

095 June: Wag na ho. Hindi ko kaylangan ng tulong n’yo kaya ko na ang sarili ko.

096 Anita: June.

097 June: Sorry ma.

097 Anita: Kumain na tayo.

 

Ikawalong Tagpo.   

Sa classroom. Makikita ang mga mag-aaral

na nag-rereview habang wala pa ang proctor.

098 Claire: Anong balak mo?

099 Lara: Kaylangan mahuli natin sila sa akto.

100 Letty: So you mean babantayan natin lahat sila?

101 Lara: Hindi na kaylangan. Ang kaylangan nating bantayan ay yung madadaling mahuli.

102 Claire: You mean si Bradley, Jaymar, at Robert?

103 Letty: Bakit sila?

104 Claire: Syempre unlike kay Tessa, for sure mas madaming hindi alam yang mga yan. The more they will look on their cheat sheet, the more chances of getting caught. Tama ba Lara?

105 Lara: Mmm (nods)

106 Letty: Ahh.

Papasok si Ms. Francisco.

107 Ms. F: Okay settle down class. This is the final day of exam. I hope you will do your honest job in this papers dahil para rin ito sa paghahanda n’yo sa college.

Ipapamahagi ang test papers. Magsismula nang magsagot ang mga mag-aaral.

108 Lara: Ma’am!

109 Ms. F: Bakit Lara, may problema ba?

110 Lara: Ahm, nakita ko po si Jaymar na may inabot na papel kay Robert.

Magugulat sina Jaymar at Robert. Lalamukusin ni Jaymar ang papel at ilalaglag, tapos ay sisipain ng patago.

111 Ms. F: Totoo ba yon Jaymar? Akin na, ibigay mo sa’kin.

112 Jaymar: Wala po ma’am Hindi po totoo ‘yon.

113 Claire: Ma’am ito yata yun, nakita ko pong sinipa n’ya.

Kukunin ni Ms. Francisco ang lukot-lukot na papel mula kay Claire. Babasahin.

114 Ms. F: Kayong dalawa, right after exam we will talk in the guidance office.

115 Robert: Opo ma’am.

 

Ikasiyam na Tagpo

Sa likod ng school.

 

116 Arian: Pa’no na yan? Ba’t kasi kayo nagpahalata?

117 Robert: Hindi naman namin sinasadya eh, malay ko ba na makikita ni Lara

118 Tessa: Alam n’yo kung bakit kayo nahuli? Kasi binabantayan n’ya tayo. Di ba sinabihan ko na kayo na kabisaduhin n’yo?

119 Abby: Ano’ng gagawin natin… kinakabahan ako… gusto ko grumaduate…

120 Bradley: Pwede ba huwag nga kayong kabahan d’yan. Ang dapat nating gawin mag-isip ng paraan kung pa’no to malulusutan!

121 Tessa: So pa’no nga?

122 Arian: Ano kaya kung umamin na lang tayo?

123 Tessa: Umamin? Alam mo ba kung ano ang mangyayari pag-umamin tayo? Magiging-zero ang score natin ibig sabihin hindi tayo papasa. Gusto mo bang hindi grumaduate ha?

124 Abby: Mawawala rin si Tessa sa ranking, saka dahil masususpend tayo, kahit pumasa pa ang grades natin, hindi na tayo aabot sa graduation day… (iiyak)

125 Bradley: May naisip akong paraan… Jaymar, pinakopya mo si Buboy di ba?

126 Jaymar: Pare, huwag mo sabihing…

127 Robert: Teka lang pare, hindi naman yata tama yan

128 Bradley: So ano ano’ng plano mo? Umamin? Hindi mo ba nakikita? Ito na lang ang pwede nating gawin!

129 Robert: Pare inosente yung tao o… tapos gusto mong idamay?

130 Arian: tumigil nga kayo!

131 Bradley: Kung hindi kayo nahuli, mapupunta ba tayo sa sitwasyong to ha? Kaya pwede ba maki-cooperate na lang kayo?

132 Tessa: Tama si Bradley. Yun na lang ang pwede nating gawin.

133 Abby: I don’t get it…

134 Tessa: Alam ng lahat na may autism si Buboy. Ibig sabihin, if we put the blame on him, pwede pa s’yang bigyan ng consideration dahil may sakit s’ya sa pag-iisip. In that way, malulusutan natin to at for sure makaka-graduate pa rin si Buboy.

135 Bradley: Just remember what we told you guys… walang aamin at walang laglagan.

 

Ikasampung Tagpo

Sa guidance office.

136 Ms. F: Ms. Salvador, I found this cheat sheet in these two students during the exam (ibibigay ang papel)

137 Ms. S: Where did you get these answers? Did you steal the answer keys from the principal’s office?

Hindi sasagot sina Robert at Jaymar.

138 Ms. S: Ayaw n’yong sumagot? Let me tell your parents about this.

139 Jaymar: Aamin na po ako.

140 Robert: Teka pare…

141 Jaymar: Si Buboy… s’ya po ang nagnakaw ng answer keys.

142 Ms. S: Are you telling the truth?

143 Robert: o-opo ma’am, pinakopya n’ya lang po kami.

144 Ms. S: Malalaman natin sa CCTV footage kung nagsasabi nga kayo ng totoo o hindi. Sige na makakaalis na kayo

Magugulantang ang dalawa.

 

Ikalabing-isang Tagpo

Sa likod ng school.

145 Tessa: Ano? Kumusta?

146 Jaymar: May problema tayo. Titingnan dawn i ma’am ang CCTV footage sa tapat ng office ni Dr. Solis.

147 Tessa: What? Bradley anong gagawin natin?

148 Bradley: Wag kayong mag-alala, nasisiguro kong walang footage nung araw na yun dahil nagmaintenance ng security cameras. Walang makakadiskubre ng totoo. Basta ang tatandaan n’yo inosente tayo.

 

Ikalabing-dalwang Tagpo

Sa Principal’s Office.

149 Mrs. Pinlac: Ma’am totoo po bang ninakaw ni Buboy yung exam? Anak ba’t mo naman yun ginawa, di ba sabi ko mali yun?

150 Buboy: Nay, hi-hindi ko po yun gi-gina-wa. Ma-ma-niwala po ka-kayo sa-sakin.

151 Dr. Solis: I understand how you feel Mrs. Pinlac. Aaminin ko I was a bit disappointed but dahil sa kondisyon ng anak ninyo ay palalampasin ko na lamang ang pangyayaring ito. Gayunpaman, bibigyan ko siya ng kaunting sanction just to be fair sa iba pang mga estudyante ng ating paaralan. Hindi naman kasi natin pwedeng balewalain dahil baka isipin ng mga bata na may excuses sa pagpaparusa.

152 Mrs. Pinlac: Ibig sabihin po ba n’un ay makakagraduate pa rin ho ang anak ko?

153 Dr. Solis: Oho, makaka-graduate pa rin ho si Buboy.

154 Mrs. Pinlac: Naku maraming salamat po ma’am!

155 Dr. Solis: Gayun pa man Mrs. Pinlac, dahil sa nangyari, wag ho sanang ikasama ng loob n’yo pero hindi po s’ya makakapag-martsa

156 Buboy: I-ibig sa-sabihin p-po ba hi-hindi ako ma-ka-kasama sa gr-gradua-tion?

157 Dr. Solis: I’m sorry Mrs. Pinlac I know that Buboy has autism, so this is the lightest punishment we can give.. Sa totoo lang kung normal na estudyante ho ang anak n’yo pwede na po s’yang ma-expel dahil sa ginawa n’yang pagnanakaw ng answer keys dito sa opisina ko.

158 Buboy: Po? Hi-hindi p-po ako nag-na-na-kaw. Hi-hindi p-po ako kumu-ha nun ma’am.

159 Dr. Solis: Mrs. Pinlac most of his classmates pointed at him. Kaya ayaw man naming paniwalaan ay wala naman tayong ebidensya na hindi s’ya ang gumawa lalo na dahil naganap ang pagnanakaw on the day when the CCTV cameras are under maintenance.

160 Buboy: Hi-hindi ko p-po a-lam yun. Hi-hindi ko p-po yon ni-nakaw. Bi-bi-nigyan l-lang p-po nila ko s-sagot.

161 Dr. Solis: I’m really sorry Mrs. Pinlac. Don’t worry dahil hindi naman s’ya makaka-attend sa graduation, you don’t need to pay for the venue. Ang dapat n’yo na lang bayaran ay ang diploma at year book.

162 Buboy: Ma’am p-please p-po ma’am, gu-gusto ko p-po gru-gru-maduate. Pa-panga-rap ko p-po yun

163 Dr. Solis: I’m sorry Buboy, you have to face the consequences of what you did.

164 Buboy: Ma-mani-wala p-po ka-yo s-sakin. Di ko p-po yun gi-gina-wa. Nay ma-mani-wala ka.

165 Mrs. Pinlac: Tama na anak, nakakahiya na sa titser mo. Maigi na yun at hindi ka na-kick out magpasalamat na lang tayo. Hindi naman kasi tama yung ginawa mo anak.

166 Buboy: Hi-hindi ko nga p-po yun gi-gina-wa eh! (tatakbo palabas ng pinto)

167 Mrs. Pinlac: Anak! Pasensya na po ma’am pasensya na po.

168 Mr. Solis: We understand you Mrs. Pinlac

169 Mrs. Pinlac: Salamat po. (susundan si Buboy)

 

Ikalabintatlong Tagpo

Sa staircase.

170 Tessa: I’m sorry Buboy.

171 Buboy: Ka-kayo yun di- di ba?

172 Bradley: Inosente kami Buboy, wala kaming kinalaman sa sinasabi mo.

173 Buboy: Hi-hindi to-too yan. Bi-bi-nibin-tang n’yo lang sa-sakin ka-kasi ayaw n’yo ma-pa-pa-rusahan. A-ang sama n’yo

174 Jaymar: Pano mo nasabing kami yun, nakita mo ba?

175 Buboy: I-kaw nag-bi-gay sakin sa-sagot di-di ba?

176 Jaymar: Pasalamat ka na lang dahil di ka na-expel!

177 Buboy: Ang sa-sama n’yo da-dahil sa inyo di a-ako ma-kaka-gra-duate!

Tatakno si Buboy pababa ng hagdan, subalit magku-kumbulsiyon ito na magiging dahilan ng kanyang pagkahulog. Magugulantang ang lahat.

178 Tessa: Ahhhh!

Tapos ng Unang Yugto.

 

Ikalawang Yugto

Unang Tagpo

Sa cafeteria.

179 Lara: Tessa! Alam kong ikaw ang totoong nagnakaw ng answer keys kaya umamin ka na! Umamin na kayo! Hindi na kayo naawa kay Buboy… dahil sa inyo kaya nangyari to sa kanya

180 Tessa: Ang kapal naman ng mukha mo para sisihin ako sa nangyari! Para sabihin ko sayo hindi ako ang nagnakaw ng answer keys kaya wala akong kasalanan!

181 Lara: Hindi ako naniniwala! Gusto mo lang ibintang sa iba ang lahat para hindi ka maparusahan!

182 Tessa: Bakit may ebidensya ka ba ha? Wala di ba? Kasi wala akong ginawa! Alam mo nai-inggit ka lang eh, kasi ako na ang magiging valedictorian, kaya gusto mong palabasin na ako ang magnanakaw!

183 Lara: Pwede ba wag mo ngang baligtarin ang sitwasyon, bakit pinagmumukha mong ako ang mali dito? Di ba ikaw yung nandaya?

184 Abby: Ano ba Lara, tigilan mo na nga kami!

185 Lara: isa ka pa!

185 Tessa: Hindi nga ako sabi eh! Kung meron mang may kasalanan dito ikaw yun. Kasi sinumbong mo si Buboy. Kung hindi ka nagsumbong hindi sana s’ya mabibigyan ng sanction at hindi sana s’ya maaaksidente! Kaya hindi ako ang may kasalanan kundi ikaw!

186 Lara: Huh! Wala talaga kayong konsensya. Hindi n’yo man lang naisip na dahil sa ginawa n’yo hindi na makakarating sa graduation si Buboy.

187 Claire: Tara na Lara… tama na yan baka ma-guidance pa tayo.

188 Lara: Makinig ka sakin Tessa, gagawa ako ng paraan para malaman ang totoo. Kung inosente ka, tatanggapin ko kahit mag-rank 2 lang ako sa’yo, pero kung hindi, sisiguraduhin kong mabubuko kayo ng mga kaibigan mo. (aalis sina Lara at Claire)

 

Ikalawang Tagpo

Sa Sala nina June.

Nagbabasa ng dyaryo si Mr. Alcaraz.

188 June: Tito, pwede ba kitang makausap?

189 Mr. A: Oo naman. Tungkol saan?

190 June: May hihingin sana ‘kong pabor.

Ititigil ni Mr. Alcaraz ang pagbuklat sa dyaryong hawak.

191 June: Tungkol to sa classmate ko na na-aksidente sa school.

192 Mr. A: Gusto mong gawan ko s’ya ng artikulo?

193 June: Imposible po ba yun?

194 Mr. A: Hay, parang ito yata ang unang beses na kinausap mo ko ah. Bilang tatay mo, masayang-masaya na’ko ngayon.

195 June: Wag n’yo sanang isipin na dahil humihingi ako ng pabor tanggap ko na kayo. Please sagutin n’yo na lang ang tanong ko? Pwede n’yo bang gawan ng balita ang tungkol sa aksidente?

196 Mr. A: Ano ba’ng gusto mo mangyari?

197June? Gusto kong mapilitan ang school na imbestigahan ang nangyari. Kapag lumabas ito sa balita, malalaman to ng mga tao. Pag nangyari yun, pipilitin ng mga affiliated universities ang school na imbestigahan ang nangyari.

198 Mr. A: Hindi madali ang hinihiling mo. Isa pa, hindi naman tayo sigurado na ganun nga ang gagawin ng mga unibersidad na yan.

199 June: Kahit na, hindi masama kung susubukan. Isa pa, di ba yun naman ang tungkulin ng isang reporter? Ang ipaalam sa lipunan ang mga katotohanang dapat nilang malaman. Please po nakikiusap po ako.

 

Ikatlong Tagpo

Sa Principal’s Office

200 Dr. Solis: Ano? Pano nakarating to sa national news?

201 Ms. S: Lumabas po kasi kahapon sa Balitang Amianan yung tungkol sa aksidente. Nagbigay rin ng interview si Mrs. Pinlac. Nandyan na po sa labas ang media. Gusto daw po nilang kunin ang panig ng school. Magpapaunlak din po ba kayo nang interview?

202 Dr. Solis: Oo, kaylangan natin ibigay ang panig natin. Hindi pwedeng masira ang pangalan ng school sa ating mga university partners. Mas mabuti nang malinis natin ang pangalan natin sa lalong madaling panahon. Sige na Ms. Salvador, papasukin n’yo na sila.

203 Ms. S: Yes ma’am.

Lalabas si Ms. Salvador. Babalik kasama ang media.

204 GMC: Ano po ang masasabi n’yo sa nangyaring aksidente sa inyong paaralan? May pagkukulang po ba ang paaralan pagdating sa safety measures?

205 Dr. Solis: Humihingi po kami ng pasensya sa pamilya ng aming estudyanteng si Bryan Pinlac. Iniimbestigahan na rin po namin ang nangyari para malaman kung meron mang pagkukulang ang paaralan sa nangyaring aksidente.

206 ABC: Totoo po bang na-expel ang biktima sa inyong paaralan dahil sa pagnanakaw ng answer keys sa exit exam?

207 Dr. Solis: Hindi po totoong na-expel si Bryan dito sa school. Actually, dahil sa kanyang karamdaman, binigyan lang namin s’ya ng lighter sanction. Wala namang may gusto na mangyari ang bagay na yon sa bata.

208 TV9: Ibig sabihin po ba nito ay napatunayang ngang ninakaw ng biktima ang exams?

209 Dr. Solis: Nakakalungkot man isipin pero, hindi naman namin itinuturing na pagkakamali iyon nung bata sapagkat meron nga s’yang karamdaman. Bilang mga guro ay sinusubukan naman namin ang lahat ng aming makakaya upang mas maging maayos ang pagseserbisyo sa mga mentally-ill na mag-aaral kagaya ni Bryan. Maraming salamat po sa inyong oras. Ito lang muna ang masasabi namin sa ngayon.

Aalis na ang mga reporter. Nagmamadaling papasok si Tessa.

210 Tessa: Ma! Tungkol po ba kay Buboy kaya nandito yung mga reporters?

211 Dr. Solis: Huh, I really don’t know how the press discovered about this. This will tarnish the reputation of the school!

212 Tessa: Kaylangan po bang paimbestigahan yung aksidente?

213 Dr. Solis: Of course not, ang mga malilitit na local news gaya nito ay malilimutan din ng lahat in just two days or a week maybe. Hindi naman to masyadong importanteng balita. Ang sakin lang, nakakahiya sa mga university partners natin! Si Mrs. Pinlac siguro ang nagsabi nito sa media, dahil gusto n’yang bawian ang school sa nangyari sa anak n’ya. How dare them involve the school in this. Kung hindi sana nandaya yung anak n’ya hindi naman mangyayari ang lahat ng ito!  

214 Tessa: Ma, ibig sabihin hindi na kaylangang halungkatin yung tungkol sa exam?

215 Dr. Solis: Tessa, may tinatago ka ba sakin? Do you know anything about this cheating?

216 Tessa: Ma, of course not, I’m innocent!

217 Dr. Solis: I know, of course you are innocent. You won’t do anything like this, that’s why I’m always proud of you.

218 Tessa: Yea. Kaylangan ko na pong umalis ma, may homeroom meeting pa po kami.

Lalabas ng opisina si Tessa.

 

Ikaapat na Tagpo

Sa likod ng school

219 Abby: Hindi ko na kaya, aamin na lang ako para hindi ako nakokonsensya ng ganito!

220 Bradley: Anong aamin? Naririnig mo ba ang sarili mo? Kapag ginawa mo yon mapaparusahan tayong lahat?

221 Abby: Tayong lahat? Bakit? Hindi naman ako kasama sa nagnakaw nung exam ah! Ba’t ako mapaparusahan?

222 Bradley: Pwede ba, wag ka nga magmalinis dito, lahat tayo nakinabang sa answer keys na yun kaya damay-damay tayo dito. Kapag may isang nabuko tingin mo ba hindi idadamay ang pangalan mo? Huh!

223 Robert: Pare ano ba, chill ka lang, lahat naman tayo dito kinakabahan eh, kaya tigilan mo na yan.

224 Arian: Hindi ko na alam… ano ba kasi tong pinasok natin eh…

225 Jaymar: Ano ba kayo guys, wag nga kayong mataranta s’ya lalo tayong walang maiisip na solusyon eh.

226 Tessa: Tama si Jaymar. Walang magandang maidudulot tong pag-aaway-away natin.

227 Abby: Kasalanan ni Lara lahat ng ‘to eh! Kung hindi lang s’ya nagsumbong hindi sana tayo nagkakaganito!

228 Arian: Hindi naman to kasalanan ni Lara eh, tayo naman talaga ang nagsimula ng gulong to.

228 Bradley: Hindi, si Buboy, s’ya lang ang may kasalanan dito yun ang tatandaan n’yo. Ang dapat n’yong sabihin, INOSENTE TAYONG LAHAT. Wala silang kahit na anong ebidensya, kaya kung walang magsasalita sa’tin, wala tayong magiging problema.

 

Ikaapat na Tagpo

Sa cafeteria

Kinabukasan

229 Letty: Tingin mo Lara, isa kaya sa mga parents ang nagsabi sa media?

230 Claire: Malamang. Baka may isang estudyanteng nagsabi sa magulang n’ya tapos inalert ang media.

231 Lara: Di ba reporter yung stepdad ni June? Baka siya ang nagsabi.

232 Claire: Oo nga no.

233 Letty: Parang imposible naman yun no, wala namang pakialam yun sa paligid n’ya.

234 Lara: Ang weird lang no, parang kahapon trending pa sa facebook yung news tungkol kay Buboy, pero ngayon wala na kong nakikita sa newsfeed ko.

235 Letty: Hay, kawawa naman si Buboy.

236 Claire: Akala ko ba iimbestigahan to nina Dr. Solis, parang puro paghahanda lang naman sa graduation ang ginagawa nila eh.

237 Lara: Syempre hindi totoo yun no, ginandahan lang nila ang sagot sa mga reporters para hindi sila mapahiya. Wala silang balak mag-aksaya ng oras sa pag-iimbestiga. Ang totoong balak nila, hintayin lang hanggang sa mamatay yung balita, pag napagod na ang mga tao sa pakikisimpatya. Parang ngayon.

238 Letty: Nakakainis, ba’t ba sinuswerte tong si Tessa. Akala ko pa naman mabubuko na s’ya. Naku pag s’ya talaga ang naging valedictorian, iba-bash ko tong bulok na school na to! Akala mo naman kay ganda-ganda ng turo huh!

239 Claire: Huh! Tingnan n’yo to… nagtrending ulit si Buboy! May nagsend yata kay Tulfo nung case ni Buboy!

Ipapakita ang phone.

240 Letty: Sino?

 

Ikalimang Tagpo

Sa Principal’s office.

241 Dr. Solis: Anong kaylangan mo Mr. Lopez?

242 June: May pakiusap po sana ko ma’am.

243 Dr. Solis: What is it?

244 June: Pwede po ba nating ulitin ang exit exam? Naniniwala po akong hindi si Buboy ang totoong nagnakaw ng answer keys. Kapag inulit natin ang exam, pwede pa nating malamn ang totoo.

245 Dr. Solis: Mr. Lopez, alam kong concern ka sa kaklase mo pero busy na kaming mga teachers n’yo, there is no longer enough time for us to prepare for another batch of exams dahil malapit na ang graduation.

246 June: So hindi po pala totoong iimbestigahan n’yo ang kaso ni Buboy.

247 Dr. Solis: It’s not like we don’t plan on doing so, it’s just that we are very busy right now.

248 June: Pa’no n’yo po nagagawang maging busy sa preparation gayong may mga batang ga-graduate kahit hindi sila karapat-dapat.

249 Dr. Solis: Mr. Lopez, are you trying to mock your teacher?

250 June: Sorry po.

251 Dr. Solis: I truly understand your sentiment. But I’m really sorry Mr. Lopez.

252 June: Mukhang hindi n’yo pa po nakikita ang kumakalat na balita sa social media.

253 Dr. Solis: What do you mean? (titingnan sa Facebook)

254 June: Kung hindi po natin itutuloy ang imbestigasyon, mas lalong masisira ang pangalan ng school.

255 Dr. Solis: Mr. Lopez, are you the one informing the media about the happenings within our walls?

256 June: Hindi na po yun mahalaga. Mas mahalagang isipin natin ngayon kung pa’no malilinis ang pangalan ng school. Kaya nakikiusap po ako sa inyo, pag-isipan n’yo po sana ang suggestion ko.

257 Dr. Solis: Suppose we do that, it will not guarantee that the students will refrain from cheating. Paano naman natin masisiguro na reliable ang magiging resulta nito?

258 June: Bakit hindi po tayo humingi ng tulong sa media? Kung ila-live cover natin ang exam, walang estudyante ang maglalakas-loob na mandaya.

 

Ikaanim na Tagpo

Sa classroom.Abalang-abala sa pagsagot

ng exam angmga estudyante. Makikita sa may

bintana na puno ng media personnel ang hall way.

259 TV9: Nandito po tayo ngayon sa Peterson Academy kung saan napabalita ang dayaang nangyari sa exit exam na naging sanhi ng isang trahedya. Ang live coverage na ito ay pinaunlakan ng paaralan upang masiguro nga na magiging patas at malinis ang resulta ng pagsusulit.

260 GMC: Nagsimula ang pagsusulit sa ganap na 7am at matatapos mamayang 10 am. Bale ganito ang magiging set-up ng exam sa loob ng tatlong araw. Ito raw ay para hindi masyadong mapagod ang mga estudyante at makapagreview pa sa mga susunod na subjects nila.

261 ABC: Ayon sa paaralan, ang exam na ito ay sinikap isagawa kahit isang buwan na lamang ay graduation day na sana nila. Ito ay bilang suporta sa pagsisiguro na walang dayaang magaganap sa resulta ng mahahalagang pagsusulit na gaya ng exit exams.

 

Ikapitong Tagpo

Sa likod ng school

262 Jaymar: Bakit ba kasi may media eh, tapos na tayo ngayon.

263 Abby: Sabi ko na nga ba hindi ako dapat nakinig sa inyo. Ano bang naitulong n’yo sakin ha? Simula nung nagging kaibigan ko kayo, bumaba na ko sa top tapos ngayon may ganito pa. Nakakainis!

264 Robert: So ganun, hindi na rin tayo magkakaibigan ngayon? Laglagan na pal to eh!

265 Bradley: Mga duwag pala kayo eh! Akala n’yo ba maililigtas n’yo ang sarili n’yo? Hindi, damay-damay tayong lahat dito, at isiguraduhin kong walang makakalusot isa man sa inyo kapag nagkabukingan na.

266 Tessa: Talaga? Di ba ikaw naman ang nagplano nito? At kayo lang nina Robet at Jyamar ang nagnakaw ng exams. Kaya pa’no mo ko maididiin?

267 Arian: Oo nga, hindi naman kami kasama sa pagnanakaw ah, kaya wala kaming kasalanan!

268 Tessa: Pero di ba konti lang ang mali mo sa mga exams before, dalawa, tatlo, tapos isa ka sa pinakamababa ngayon, so pa’no ka makakalusot Arian?

269 Arian: Tessa…

270 Tessa: At ikaw Abby, anong score mo ngayon? I don’t think they will believe you too if you plead innocent.

271 Abby: So ganun? Iiwanan mo pala kami sa ere? Hindi rin naman 100 ang score mo ngayon ah? Kaya pa’no mo nasisigurong ligtas ka? Ah, anak ka nga pala ni Dr. Solis kaya for sure may advantage ka.

272 Tessa: Kahit ano pang sabihin n’yo, I will not be ruined like you guys.

273 Bradley: Akala mo ba papayag akong makaligtas ka? Hindi ako papayag na isipin ng lahat na inosente ka.

274 Tessa: So anong gagawin mo?

275 Bradley: Makikita mo…

 

Ikawalong Tagpo

Naglalakad si Tessa sa lobby.

Makikita ang mga estudyante na

nagbubulong-bulungan.

276 Student 1: S’ya yung anak ni Dr. Solis di ba?

277 Student 2: Totoo kaya to’ng nakapost sa student files?

278 Student 3: Nakakahiya.

279 Student 4: Dapat mawala na s’ya sa top.

280 Student 5: Dapat maging fair naman si Dr. Solis kahit involved pa yung anak n’ya.

281 Student 6: Dapat ma-expel lahat yung may kasalanan. Kawawa naman yung Buboy.

 

Ikasiyam na Tagpo

Sa Principal’s office.

282 Dr. Solis: Ano to Tessa? Who would post something like this?

283 Tessa: Hindi ko po alam ma, siguro naiinggit lang sakin yan!

284 Dr. Solis: Hindi kita pinalaking ganito!

285 Tessa: Believe me ma, hindi ako kasama sa mga nagnakaw ng exams.

286 Dr. Solis: Umamin na ang mga classmates mo. And all of them are involving you!

287 Tessa: Sina Bradley ang nagnakaw ng exam, pinakopya lang nila ko ng mga sagot!

288 DR. Solis: I will be sending you sa tita mo sa Isabela, you will repeat this school year there!

289 Tessa: What? Pati ba ako ine-expel n’yo ma?

290 Dr. Solis: So what do you want be to do? Exempt you and ruin the reputation of the school? Kung hindi ka sana nakibarkada sa mga yan hindi ka masasama sa mga kalokohan!

291 Tessa: I can’t believe that you are choosing business over me!

292 Dr. Solis: It’s not like that Tessa! But you have to face the consequences of your actions! Nakakahiya sa mga magulang, anak ka pa naman ng principal pero hindi mo naisip na ayusin ang sarili mo!

293 Tessa: No! This isn’t fair!

Patakbong lalabas si Tessa sa opisina.

 

Ikasampung Tagpo:

Sa venue ng graduation.

Makikita si June na nakatayo

sa gitna ng stage.

294 June: Hindi pa nagtatapos sa araw na ito ang ating paglalakbay. High school is definitely a memorable experience but what lies ahead is a far better, bigger and more challenging journey. Sana san man tayo mapunta ay i-uphold natin ang values na natutunan natin sa buhay because that will keep us firm and sturdy just like a hundred old narra, it was so strong that no storm can ever take it down. Sama-sama nating samubungin ang hinaharap ng taas noo nang puno ng pangarap at pag-asa. Maraming salamat po.

295 LAHAT: Woah! (sabay-sabay na ihahagis ng mga estudyante ang kanilang mga cap)

296 Lara: Congrats.

297 June: Salamat. Hindi ba masama ang loob mo sakin?

298 Lara: Tsk, syempre masama ang loob ko no. Dahil sayo half lang tuloy yung scholarship ko.

299 June: (bahagyang matatawa) Sorry.

300 Lara: (bahagya ring matatawa) Ano ka ba, syempre ayos lang, deserve mo naman yan eh. Mas mabuti na rin to para mabawasan ng konti yung pride ko di ba? O pa’no, kita na lang tayo sa Malayan next school year.

301 June: Oo, magkikita pa rin tayo.

 

WAKAS

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Comments