Adaptasyon ng pelikulang “The Witness” ng
Japan.
Isinulat ni
Mariz Alliah K. Peṅaflor
2020
Mga Tauhan
Gwen
Benitez – fresh graduate ng Criminology, 22 yrs old
Jude
Salcedo – out-of-school youth, 19 yrs. old
Detective
Cruz – propesor ni Gwen
Detective
Serna- assistant ni D. Cruz
Mrs.
Benitez – ina ni Gwen at Justin
Justin-
15 yrs. old, kapatid ni Gwen
Pako-
8 yrs. old
Bochog-
8 yrs. old
Duday-
7 yrs. old
Ning-ning-
6yrs. old
Master-
Leader ng sindikato
Boss
Jaime- tauhan ni Master, in-charge sa mga bata
Tagpuan
Laguna, kasalukuyan
Unang Yugto
Prologue
Sa kalsada. Gabi. Makikita ang
isang batang babae na nanlilimos.
May darating na isang lalaki na
may hila-hilang maleta. Aabutan ng burger ang bata.
001
lalaki: Bata, kunin mo na to o
002
Ning: Salamat po. Kanina pa po ako gutom na gutom eh.
003
lalaki: Anong pangalan mo?
004
Ning: Ning-ning po.
005
lalaki: Nasan ang pamilya mo?
006
Ning: Wala na po akong pamilya.
007
lalaki: Gusto mo bang sumama sa’kin? Bibigyan kita ng marami pang burger saka
magagandang damit.
008
Ning: Opo! Gusto ko po! Pero hindi po papayag ang boss ko.
009
lalaki: Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa kanya.
010
Ning: Talaga po? Pramis po yan ah!
011
lalaki: Oo naman. (aalis ang dalawa).
Makalipas ang ilang minuto,
makikita ulit ang lalaki na hila-hila ang kanyang maleta. Hindi n’ya kasama ang
bata.
Unang Tagpo
Sa headquarters.
Makikita ang 15 bata.
012
Pako: Nasan na kaya si Ning-ning? Dalawang araw na s’yang hindi umuuwi ah.
013
Bochog: Napaka-tigas talaga ng ulo ni Ning-ning kaya tayo napapahamak eh.
014
Duday: Ano ka ba Bochog, hindi ka ba nag-aalala kay Ning-ning? Baka kung mapano
s’ya sa kalsada.
015
Bochog: Mas nakakatakot si Boss kesa sa mga siga sa kalsada.
016
Pako: Ek kung lumapit na kaya tayo sa mga puls.
017
Bochog: Nag-iisip ka ba? Pag nalaman ni Boss na lumapit tayo sa pulis papatayin
n’ya tayo!
018
Duday: Anong gagawin natin? Nandyan na si Boss…
Darating si Master kasama ang
kanyang mga tauhan. Magkukumahog ang mga bata at pipirmi sa sulok.
019
Master: (titingnan isa-isa ang mga bata) Jaime, hindi pa ba nahahanap yung
isang bata?
020
Jaime: Hindi pa Master.
021
Master: Siguraduhin n’yo lang na hindi yun magsusumbong sa mga pulis.
022
Jaime: No problem Master, ako’ng bahala. May kontak na’ko sa loob.
023
Master: Mabuti naman.
Ikalawang Tagpo
Sa kalsada. Gabi. Makikita
ang isang
batang babae na nagbibilang ng barya.
May darating na isang lalaki, na
may hila-hilang maleta. Aabutan ng burger ang bata.
024
lalaki: Bata gusto mo ba ng burger? Sa’yo na to o
025
Duday: Wow burger! Talaga po? Akin na to?
026
lalaki: Oo naman. Ano nga palang pangalan mo?
027
Duday: Duday po.
028
lalaki: Bakit nandito ka pa sa labas? Gusto mo ba ihatid na kita sa inyo?
Dilikado sa kalsada kapag gabi.
029
Duday: Hindi po pwede mapapagalitan po ako. Kaya ko na po umuwi mag-isa.
030
lalaki: O sige ganto na lang, gusto mo bilhan pa kita ng burger para may iuwi
ka sa inyo?
031
Duday: Pero… gabi na po kasi eh kaylangan ko na pong umuwi… si-sige po baka
hinahanap na rin ho ako. (tatakbo)
032
lalaki: Sandali lang bata (hahawakan sa balikat). Sumamaka muna.
033
Duday: Ayoko po! (tutusukin ng ball pen ang kamay ng lalaki)
Ikatlong Tagpo
Sa madilim na kalsada. Makikita
Ang isang babaeng naglalakad
Makalipas ang ilang minuto ay
darating si Duday na humahangos.
034
Duday: Ate, tulungan n’yo po ako! Hinahabol po ako nung mama!
035
Gwen: Ha?! Nasan na s’ya?
036
Duday: Hindi ko po alam! (iiyak)
037
Gwen: Magtago tayo. (pupunta ang dalawa sa mga basurahan)
Darating ang lalaki na nakasuot
na ng mask at cap. May hila-hila itong maleta. Hinahanap si Duday.
038
lalaki: Duday… Duday… alam kong nagatatago ka lang lumabas ka na. Wag kang
matakot, hindi kita sasaktan.
Tatawag si Gwen sa mga pulis.
039
lalaki: Huli ka!
040
Gwen: Ah! Bitawan mo s’ya! Sino ka ba?!
041
lalaki: Wag kang mangialam dito! (iuuntog ang ulo sa pader pagkatapos ay
hahampasin ng bote sa mukha)
042
Gwen: Ah!!! Ah!!!
043
Duday: Ayokong sumama sa’yo!
044
lalaki: Manahimik ka! (paaamuyin ng pampatulog, pagkatapos ay ilalagay sa loob
ng maleta)
045
Gwen: Ah!!! Tulungan n’yo kami!
Haharangin ni Gwen ang lalaking
nakaka-skateboard.
046
Jude: Ahh! (magugulat sa duguang mukha ni Gwen).
047
Gwen: Tulong… kinidnap yung bata! Habulin mo s’ya please!
048
Jude: Sige ho d’yan lang ho kayo. (hahabulin nag lalaki pero nakalayo na ito)
049
Gwen: Nasan si Duday?
050
Jude: Sorry di ko na s’ya naabutan.
051
Gwen: Hintayin nating dumating ang mga pulis. Natawagan ko na sila.
052
Jude: Hindi na, kaylangan mo nang madala sa ospital. Malala ang sugat mo.
053
Gwen: Hindi pwede… si Duday… kinidnap s’ya- (mawawalan na ng malay)
054
Jude: Miss! Miss! (bubuhatin si Gwen. Tatakbo)
Ikaapat na Tagpo
Sa ospital. Makikita si Gwen
na walang malay. Nakaupo sa gilid
ng kama ang kanyang nanay.
055
Mrs. Benitez: Doc, ano po ba ang kalagayan ng anak ko?
056
Doktor: Dahil po sa bubog na tumusok sa mga mata n’ya, nagkaroon po s’ya ng
corneal laceration. Ito po ang tawag sa sugat sa cornea. Hindi naman po
masyadong fatal ang kondisyon ng kanyang mga mata kaya hindi po s’ya mabubulag.
Yun nga lang, kahit nakapag-undergo na ang pasyente ng surgery ay kailangan pa
rin n’yang manatili dito sa ospital for a few days para ma-check pa rin natin
ang kondisyon n’ya. Also, maayos naman ang resulta ng kanyang CT scan, wala
naman pong nakitang fracture sa kanyang skull. However, as I was saying Mrs.
Benitez, kailangan pa rin n’yang manatili sa ospital for further observation.
057
Mrs. Benitez: Salamat Dok.
058
Gwen: Dok, matatagalan po ba ang paggaling ng mga mata ko? Aabutin po ba yon ng
taon?
059
Doktor: No don’t worry. Dahil hindi naman malalim ang sugat na tinamo ng mga
mata mo at wala namang tissues na na-damage, in a matter of 2 to 3 weeks ay
gagaling rin ito.
058
Gwen: Salamat po.
Aalis na ang Doktor.
060
Gwen: Ma, paano po pala ako nakarating dito?
061
Mrs. Benitez: May isang binata raw na nagdala sa’yo dito. Sayang nga at hindi
ko naabutan, hindi ko tuloy napasalamatan. Ano bang nangyari sa’yo anak?
062
Gwen: Si Duday… kinidnap yung bata… nakita ko s’ya… Kaylangan nating magpunta
sa mga pulis.
063
Mrs. Benitez: Hindi ka pa pwedeng lumabas anak, ang sabi ng mga doktor
kaylangan munang maghilom ng mga mata mo.
064
Gwen: Kung ganon, samahan n’yo na lang po ako sa front desk, kaylangan kong
malaman ang pangalan nung lalaki, saka, kaylangan nating tawagan ang mga pulis.
Hindi ko pwedeng hindi sabihin ang nalalaman ko dahil baka kung mapano na yung
bata.
Ikalimang Tagpo
Sa hideout.
Makikita ang 14 bata.
065
Jaime: Nasan si Duday ha?! Wala bang sasagot sa inyo? Gusto n’yong putulin ko
ang mga dila n’yong walang silbi?!
066
Pako: Boss Jaime, eh kung lumapit na tayo sa mga pulis, baka nakidnap sina
Ning-ning at Duday!
067
Jaime: Sira-ulo ka ba? Anong sasabihin mo sa mga pulis? Na taga-dito ka?
Subukan n’yo lang na kumanta sa mga pulis at papatayin ko kayong lahat! Tandaan
n’yo, may tao ako sa loob. At wag na wag n’yong susubukan tumakas dahil hindi
kayo makakalayo ng buhay!
Ikaanim na Tagpo
Sa ospital. Makikita ang dalawang
detective na kausap ni Gwen.
068
Detective Cruz: Ms. Benitez, sinasabi mo bang nakita n’yo ang mukha ng suspect?
069
Gwen: Hindi po masyado dahil naka-mask s’ya, pero nakita ko ang mga mata n’ya.
At saka, sa tantya ko nasa 5’10 ang tangkad n’ya at medyo katamtaman ang
kanyang katawan. Malinaw ko rin pong naaalala ang boses nang suspect.
070
D. Cruz: May iba pa bang witness ang nangyari?
071
Gwen: Meron po kaso… hindi ko po nakuha ang pangalan n’ya.
Magsasalita sana ang isa pag
detective subalit mahahalata na may sakit ito.
072
D. Cruz: Ako na detective. Natatandaan mo ba ang mukha n’ya?
073
Gwen: Hindi ko nakita ang mukha n’ya pero sigurado po akong nakita yon sa CCTV
nitong ospital.
074
D. Cruz: Sige ho, makikipag-ugnayan na lang kami sa inyo kapag nahanap na namin
ang witness. Detective, siguro magpahinga ka muna at baka nasosobrahan ka na sa
pagtatrabaho (matatawa).
Ikapitong Tagpo
Sa kalsada. Makikita ang
mga tindera sa bangketa.
Makikita si Gwen at ang nanay
n’ya na naglalakad.
075
Bochog: Boss palimos po, pangkain lang po…
076
Pako: Bochog, makinig ka naman sa’kin. Pumunta na tayo sa mga pulis, di bale
nang mapagalitan tayo nina Boss Jaime. Hindi aa y nag-aalala kina Ning-ning at
Duday?
077
Bochog: Hindi mo ba narining ung sinabi ni Boss Jaime? Papatayin nila tayo
kapag nagsumbong tayo sa mga pulis. Baka baka nakakalimutan mo, may mata si
Boss Jaime sa loob. Kung gusto mong mamatay, mag-isa ka na lang wag mo kong
idamay! (pupunta sa ibang pwesto)
078
Pako: Hindi naman sila yung isusumbong natin ah, ipapahanap natin sina
Ning-ning at Duday!
079
Gwen: Excuse me, narinig ko kasing may pinag-uusapan kayong Duday ang pangalan.
Nasaan s’ya?
080
Pako: Hindi ko po alam eh, nawawala po siya.
081
Gwen: Kelan pa? Saka, pwede mo ba y s’yang i-describe?
082
Pako: Apat na araw na po s’yang nawawala. Ahmmm… pa’no ko ba ide-describe si
Duday… mahaba ang buhok n’ya at maliit s’yang bata kasi 7 yrs. old palang s’ya.
Saka, bilog ang mga mata n’ya.
083
Gwen: May picture ka ba ni Duday?
084
Pako: Wala po eh. Bakit n’yo nga pala s’ya hinahanap?
085
Gwen: Kasi… kasi… gusto kong tumulong na hanapin s’ya.
086
Pako: Nakidnap po ba si Duday?!
087
Gwen: Wag kang mag-alala, mahahanap natin s’ya. Alam mo ba kung nasaan ang mga
magulang ni Duday?
088
Pako: Wala na po kaming mga magulang.
089
Gwen: Kung ganon, sino ang nag-aalaga sa inyo?
090
Pako: Hindi ko po pwedeng sabihin. Matagal ko na nga pong gustong pumunta sa
mga pulis para ipahanap sina Duday at Ning-ning pero hindi po kami pwedeng
pumunta dun. Saka, ang sabi sa’min, may tao daw po s’ya sa loob. Ate, mahahanap
n’yo po ba ang mga kaibigan ko?
091
Gwen: Oo naman. Pangako yan. Babalik ako dito bukas ng umaga. Magsasama ako ng
magdo-drawing kay Duday at Ning-ning para mahanap natin sila. Ano nga pala ang
pangalan mo?
092
Pako: Pako po.
093
Gwen: (Biglang tutunog ang cell phone ni Gwen.) Sandali lang ah. Salamat Pako …
may tanong pala ako, sinabi mo bang may tao sila sa loob?
094
Pako: Ano po ba’ng ibig sabihin nun?
095
Gwen: Mahirap ipaliwanag eh. Pwede ko bang malaman kung saan kayo nakatira?
096
Pako: Wa-wala po, wala po kaming bahay. (makikita ang pag-iwas sa tanong)
097
Gwen: Ganun ba?
098
Pako: Sige po bukas na lang. (Magmamadaling umalis).
Ikawalong Tagpo
Sa presinto.
099
Jude: Sir ako nga ho yang nasa CCTV, pero hindi po ako witness sa krimen na
yon.
Darating si Gwen.
100
Gwen: Nagsisinungaling ho s’ya, nakita n’ya rin yung criminal.
101
Jude: Bakit nakita mo ba?
102
Gwen: Hindi ko nakita, pero sinabi mo sa’kin na nakita mo s’yang umalis!
103
Jude: Wala akong natatandaan na sinabi ko yon. Pasensya na sir ha pero wala ho
akong maitutulong sa inyo. (aalis)
104
D. Cruz: Pasensya na Ms. Benitez pero kung totoo nang ikaw lang ang saksi sa
krimen na ito, malabong masimulan ang pag-iimbestiga sa hangga’t hindi bumubuti
ang kalagayan mo. Walang CCTV sa lugar na yon kaya ang statement mo lang ang
inaasahan namin.
105
Gwen: Naiintindihan ko po. Pero, may isa pa po akong paraan para masimulan na
ang paghahanap sa bata.
106
D. Cruz: Paano?
107
Gwen: May kilala akong pwedeng mag-describe kay Duday. Sa gano’ng paraan, pwede
na tayong gumawa ng posters.
108
D. Cruz: Pero hindi tayo nakakasiguro na s’ya nga ang batang hinahanap natin.
109
Gwen: Totoo po yan, pero ang Duday na kilala n’ya ay nawawala rin at ang mga batang
yon ay natatakot ireport ang tungkol dito.
110
D. Cruz: Posible kayang-
111
Gwen: hawak sila ng sindikato
112
D. Cruz: Kung walang naglalakas-loob na magreport, baka may look-out sila dito
sa loob. Iimbestigahan ko ang tungkol dito.
113
Gwen: Salamat po Detective. At saka, pwede ko po bang hingin ang address nung
witness, gusto ko sana s’yang makausap.
114
D. Cruz: Jude Salcedo ang pangalan n’ya at ito, ito ang address n’ya (may
iaabot na papel).
115
Gwen: Salamat po. (aalis)
Ikasiyam na Tagpo
Kinabukasan. Sa tapat ng bahay nina Jude.
Makikita ang mga posters nina Duday at
Ning-ning sa mga pader.
116
Gwen: Excuse me, taga-dito po ba si Jude Salcedo.
117
Nelson: Oho, sino ho ba sila?
118
Gwen: Ahm, ako si Gwen. Gusto ko lang s’yang makausap.
119
Nelson: Sige ho, saglit lang.
Papasok ang lalaki sa loob ng
bahay.
120
Justin: Ate, sino po ba yun?
121
Gwen: S’ya yung sinasabi kong witness sa krimen. Wag mo sasabihin kay nanay na
isinama kita dito ah kundi lagot ako sa kanya.
122
Justin: Syempre ate ako pa. At saka, ang saya nga nito eh pakiramdam ko pulis
rin ako, katulad mo.
123
Gwen: Tsk, hindi pa naman ako pulis eh kasi hindi pa ako pumapasa sa training.
Isa pa, dahil sa kondisyon ko ngayon, matagal pa bago ako maging ganap na
pulis.
Maya-maya ay lalabas si Jude.
124
Jude: Anong pa bang kaylangan mo? Di ba sinabi ko na sa’yo na hindi ako
witness? Umalis na kayo.
125
Gwen: Sandali lang. Hindi ka ba naaawa dun sa bata? Nalaman ko na hindi lang si
Duday ang nawawla. Hindi natin alam kung ano ang ginawa ng suspect sa kanila.
Kaylangan natin s’yang mahuli, baka sakaling mailigtas pa natin sila.
126
Jude: Nag-aaksaya ka lang ng oras dahil hindi kita matutulungan.
127
Gwen: Bakit ba ayaw mong maki-cooperate? Tingnan mo ko. Dahil sa kriminal na
yon, na-damage ang mga mata ko, kung tutuusin natatakot din ako para sa buhay
ko. Pero pa’no ko mananahimik kung hanggang ngayon pagala-gala pa rin ang kriminal
na gumawa ng lahat nang ito?
128
Jude: Pasensya ka na, pero labas ako sa problema mo.
129
Gwen: Ano bang pumipigil sa’yo, bakit hindi mo masabi ang totoo?
Ikasampung Tagpo
Sa hideout.
130
Jaime: Dali, kunin n’yo na yung mga bata, tatakas tayo! Dun sa likod!
131
Pulis 1: Wala na kayong tatakbuhan, sumuko na kayo!
132
Pulis 2: ibaba n’yo yang mga baril n’yo. Taas kamay! Posasan na yang mga yan.
Bibitbitin ng mga pulis sina
Jaime at ang mga bata.
Ikalabing-isang Tagpo
Sa presinto. Kinabukasan.
133
Gwen: Narinig ko po na na-rescue na yung mga bata kahapon.
134
D. Cruz: Oo, maraming salamat sa impormasyon na ibinigay mo.
135
Gwen: Nahuli na rin po ba yung look-out nila dito?
136
D. Cruz: Ang nakakatawa sa mga masasamang tao, hihilahin din nila pababa ang
mga kasamahan nila.
137
Gwen: Malaking tao po ba ang nahuli n’yo ngayon?
138
D. Cruz: Hay, ewan ko ba, kaming mga pulis ay para ring mga poon sa larong
chess, madalas mga poon lang din ang makakin mo. Maswerte ka na kung makakain
ka ng bishop o kabayo. Kaya ang Queen, malaya pa ring gumagala at pumapatay sa
larong ito.
139
Gwen: Pero kung hindi lalaban ang poon, ano’ng gagawin n’ya? Magtatago o di
kaya’y susunod sa agos? Naniniwala ako na may magagawa ang poon para baguhin
ang takbo ng laro kahit malakas ang kalaban.
140
D. Cruz: (mapapangiti) Ang mga kabataan talaga, may kakaibang mga pananaw.
141
Gwen: (mapapangiti) Meron po pala akong bagong impormasyon na makakatulong sa
kaso.
142
D. Cruz: Ano yon?
143
Gwen: Yung mga batang nawawala, pareho silang pulubi at walang magulang kaya
walang nagreport na nawawala sila. Pero pa’no n’ya nalaman na walang
nagrereport sa kanila? Ibig sabihin yung taong kumidnap sa mga bata ay may access
sa mga impormasyong ganito.
144
D. Cruz: Posible kayang isang pulis din ang suspect?
145
Gwen: Yun ho ang suspetsa ko. Two weeks ago nawala si Duday. At least two weeks
rin bago yun, nawala rin daw si Ning-ning. Detective, meron po bang mga pulis
na nadestino dito sa estasyon around a month ago?
146
D. Cruz: Oo, apat sila. Kaylangan kong isa-isahin yung mga distritong
pinanggaligan nila para makakuha ng lead. Mga pulubing walang magulang ang
tinatarget ng kriminal dahil kapag walang nagreport ng krimen hindi s’ya
mahuhuli.
Ikalabindalawang Tagpo
Sa bangketa. Makikita si Gwen na
naglalakad mag-isa.
Maya-maya ay huhulihin ni Gwen
gamit ang kanyang baston.
147
Gwen: Sino ka? Bakit mo ko sinusundan?
148
Jude: Ako to si Jude.
149
Gwen: Anong kaylangan mo?
150
Jude: Gusto ko sanang magsorry nung nakaraan. Nakapag-isip-isip na ko. Tutulong
ako sa kaso.
151
Gwen: Bakit nagbago ang isip mo?
152
Jude: Wag ka na magtanong dahil baka magbago pa ang isip ko.
153
Gwen: Salamat. Maraming salamat. Gwen nga pala ang pangalan ko. (iaabot ang
kamay pero hindi ito papansinin ni Jude)
Ikalabintatlong Tagpo
Sa madilim na kalsada. Gabi.
Habang naglalakad si Jude,
mapapansin n’ya na parang may sumusunod sa kanya. Tatakbo ito, at hahabulin
siya ng lalaking may dalang baril. Mababril si Jude at tatakas ang kriminal.
Tapos
ng Unang Yugto
Ikalawang
Yugto
Unang Tagpo
Sa ospital. Kinabukasan.
Nagmamadaling papasok si Gwen
sa kwarto kasama ang ina.
154
Gwen: Detective, ano po ang nangyari?
155
D. Cruz: Natagpuan siya sa isang madilim na iskinita. May tama s’ya ng baril sa
balikat at sa may tagiliran.
156
Gwen: Sa palagay n’yo po ba may kinalaman ito sa kaso?
157
D. Cruz: Hindi ko sigurado pero tinitingnan na rin namin ang anggulong yon. Sa
ngayon, kaylangan muna nating hintaying magising ang pasyente para masimulan na
ang pag-iimbestiga sa nangyari.
158
Gwen: Yan ang mahirap dahil wala namang mga streetlights at CCTVs sa mga
kalsada, mabagal tuloy ang usad ng imbestigasyon sa mga krimen sa lansangan.
Bakit ba kasi hindi yan inaaayos ng barangay?
159
D. Cruz: Ganun talaga, nakakabulag ang pera. Kapag sinabi ni Chief na bitawan
ang kaso, wala kang magagawa.
160
Gwen: Kumusta na po ba ang kaso ni Duday?
161
D. Cruz: Sa ngayon hindi ko pa natutukoy kung sino ang kriminal pero sigurado
akong malapit na natin s’yang mahuli. Kaylan nga pala tatanggalin ang bendang yan?
162
Gwen: Next week po siguro. Sabi ng doktor maganda naman daw po ang progress ng
mga mata ko.
163
D. Cruz: Magandang balita yan. Bilang propesor mo alam kong magiging isang
magaling na pulis ka sa hinaharap. Kaya nalungkot talaga ako nang malaman kong
na-aksidente ang mga mata mo.
Ikalawang Tagpo
Sa bahay nina Gwen.
Makikita ang lalaking
nakatalikod. Tinitingnan ang mga larawan sa mga pasimano. Papasok si Justin sa
sala.
164
Justin: Sir pasensya na po kayo ah wala pa po kasi si ate eh. Inom po muna kayo
ng juice. Ano nga po ulit ang pangalan n’yo? Itetext ko-
Mapuputol ang sasabihin ni
Justin dahil sasaksakin s’ya nang tatlong beses sa likod ng lalaking nakamask.
Ikatlong Tagpo
Sa sala nina Gwen. Gabi.
165
Mrs. Benitez: Bakit ba napakadilim dito? Ang bilin ko pa naman kay Justin wag
aalis ng bahay at hintayin tayo.
166
Gwen: Baka po may binili lang.
167
Mrs. Benitez: Saglit nga at bubuksan ko ang ilaw. (pagkabukas ng ilaw)
Ah!!!!!!!!!!! Justin anak!
168
Gwen: Ma, ano pong nangyari?
169
Mrs. Benitez: Ang kapatid mo… may sumaksak sa kapatid mo…
170
Gwen: Ha?! Ito po,tumawag kayo ng ambulansya. Tawagan n’yo rin po ang mga pulis
(iaabot ang phone)
Ikaapat na Tagpo
Sa ospital. Nakaupo sina Gwen at ang ina
sa bench sa labas ng
kwarto.
Darating si Jude na humihingal.
171
Jude: Gwen, nalaman ko na nandito rind aw kayo sa ospital. Anong nangyari?
172
Gwen: Nasaksak ang kapatid ko. Kasalanan ko to… ako ang habol ng kriminal.
173
Jude: Pa’no mo naging kasalanan? Gusto mo lang ng hustisya.
174
Gwen: Ayoko nang mangialam
175
Jude: Pero malaki na ang naitulong mo sa imbestigasyon. At kaylangan ka nila.
176
Gwen: Hindi ko na kayang tumulong pa! Hindi mo ba nakikita? Muntik na nga ako
mabulag oh? Tapos ngayon kritikal ang sitwasyon ng kapatid ko. Sino ang
susunod? Si mama?! At ikaw, alam kong takot ka rin para sa buhay mo kaya
hesitant kang tumulong di ba?
177
Jude: Hindi yun ang dahilan ko. Sorry kung pinilit pa kita.
Darating ang doktor.
178
Doktor: Kayo po ba ang ina ng biktima?
179
Mrs. Benitez: Oo nga ho. Ano po ang kalagayan ng anak ko?
180
Doktor: Malala po ang tinamong saksak ng anak ninyo. Natamaan po ang kanyang
left atrium at lungs. Hindi po kinaya ng pasyente ang trauma na dinulot nun.
I’m sorry Mrs. Benitez pero wala nap o ang anak ninyo.
181
Mrs. Benitez: Hindi… hindi ako naniniwala… Justin anak!
Nagmamadaling papasok sa loob
ng kwarto ang tatlo.
Ikalimang Tagpo
Sa isang bakanteng coffee shop.
Makikitang may kausap si D. Cruz
Makikita ang isang restaurant
crew na maglalapag ng kape sa lamesa.
182
Pulis 3: Detective Cruz, ito na po ang mga impormasyon na pinapakuha ninyo.
183
D. Cruz: Salamat Officer.
184
Pulis 3: Bakit po ba dito n’yo gustong magkita? Sana pinapunta n’yo na lang po
ako sa presinto.
185
D. Cruz: Wala naman, may kaylangan lang akong kumpirmahin.
Bubuksan ang package at
isa-isang pag-aaralan ang mga papel.
186
Pulis 3: Nakuha ko ho ang mga files na yan sa last three districts na
pinanggalinggan nina PO2 Sanchez, PO1 Fernandez, Inspector Salvador at
Detective Serna. Nakalagay din ho d’yan kung gaano sila katagal na na-destino
doon.
187
D. Cruz: Puntahan natin ang mga lugar na ito. Kaylangan natin mag-interview ng
mga posibleng witness.
188
Pulis 3: Pero paano detective? Wag n’yo sabihing magtatanong-tanong tayo sa mga
batang palaboy?
189
D. Cruz: Ganun na nga. Sa ganung paraan din tayo nakakuha ng lead sa kasong ito
hindi ba? Kaya hindi iyon isang imposibleng bagay.
Ikaanim na Tagpo
Sa bakanteng lote.
Makalipas ang dalawang araw.
190
D. Serna: Sir, bakit n’yo po ako gustong makausap dito?
191
D. Cruz: Si Duday at ang iba pang batang nawawala, anong ginawa mo sa kanila?
192
D. Serna: Ano’ng sinasabi n’yo? Hindi ko kayo maintindihan.
193
D. Cruz: Wag ka nang magdahilan, alam ko na ang totoo! Pulis ka pa naman, ikaw
dapat ang nagpoprotekta sa kapakanan ng mga batang yon! Nasan ang mga bata?!
194
D. Serna: Hindi ko naman gustong saktan sila eh. Pero tama kayo, kaylangan ko
na nga sigurong ayusin ang lahat. Alam n’yo ba, sa trunk ng kotse ko, nadun pa
yung batang kinuha ko kahapon. Puntahan n’yo na s’ya dun bago pa s’ya malagutan
ng hininga.
195
D. Cruz: Ano?
Maglalakad si Detective Cruz paalis
pero sasaksakin siya ni Serna sa likod hanggang sa humandusay. Tutunog ang cell
phone nito kaya’t kukunin ni Serna at titingnan. Pagkatapos ay hihilahin ang
bangkay ng detective kung saan.
Ikapitong Tagpo
Makikita sina Gwen at Mrs. Benitez
na nag-aayos ng mga gamit
Tutunog ang cell phone ni Gwen.
196
Gwen: Kuya, pakitingin naman po kung sino ang nagtext.
197
lalaki 2: Detective Cruz ho ang nakalagay.
198
Gwen: Ano pong sabi n’ya?
199
lalaki 2: Eh ang sabi ho dito, magkita daw ho kayo ngayon sa lugar ng krimen,
may mahalaga daw po siyang sasabihin.
200
Gwen: Salamat po.
201
Tita Precy: Jun-jun, pakilabas na nga nitong malaking box, tapos isunod mo yung
isa pa dun sa gilid.
202
Gwen: Tita Precy, aalis lang po ako sandali, kakausapin ko lang po si Detective
Cruz. May mahalaga daw po s’yang sasabihin sa’kin.
203
Tita Precy: Ay teka, hintayin mo muna ang mama mo baka magalit yun. Saka
kaylangan mo ng kasama, pa’no ka maglalakad n’yan?
204
Gwen: Kaya ko na po ang sarili ko saka, babalik din naman po ako agad. Kapag
hinintay ko pa si mama, siguradong hindi n’ya po ako papayagang pumunta. Sorry
po Tita, pero hindi po ako mapapalagay hangga’t hindi nakakamit ang hustisya sa
pagakamatay ng kapatid ko at sa pagkawala ng mga bata.
Makikitang lalabas si Gwen.
205
Tita Precy: Gwen sandali, ikaw talagang bata ka! (itetext ang mama ni Gwen)
Ikawalong Tagpo
Sa bakanteng lote malapit sa
lugar ng krimen. Makikitang
naghihintay si Gwen.
Mararamdaman ni Gwen ang
paglapit ng isang lalaki.
206
Gwen: Detective nand’yan na pala kayo, ano po ba yung gusto n’yong sabihin?
207
Serna: Sorry ha, natagalan ako.
208
Gwen: Hindi ikaw si Detective Cruz. Ang boses mo…
209
Serna: Matalas pala ang memorya mo?
210
Gwen: San mo dinala si Detective?! At san mo dinala sina Duday?!
211
Serna: kasama na nila ang kapatid mo.
212
Gwen: Sabi ko na nga ba ikaw rin ang pumatay sa kapatid ko! Sisiguraduhin kong
mabubulok ka sa kulungan!
213
Serna: Kung mabubuhay ka pa (akmang sasaksakin pero makakiwas si Gwen)
Tatakbo si Gwen. Biglang
tutunog ang cell phone n’ya. Tunatawag si Jude.
214
Gwen: Hello?
215
Jude: (sa telepono) Ako to si Jude.
216
Gwen: Jude, ivideo-call mo ko dali!
217
Jude: (sa telepono) Bakit?
218
Gwen: Hinahabol ako nung suspect!
219
Jude: (sa telepono) Sandali. (ibababa ang telepono. Tutunog ulit)
220
Jude: (sa telepono) Ayan na. Anong gagawin ko?
221
Gwen: I-guide mo ko. (ipapakita ang paligid) Nasan s’ya?
222
Jude: Sa gilid mo TAKBO! Nasan ka?
223
Gwen: Around the area kung saan nawala si Duday. Magkikita dapat kami ni
Detective Cruz sa crime scene pero hindi s’ya dumating.
224
Jude: Nasan na s’ya?
Iapapakita ni Gwen ang likuran.
225
Jude: Lumiko ka sa kanan. Patingin ako ng paligid. Magtago ka muna dun sa mga
basura. Pupunta ko d’yan!
226
Gwen: Wag na, tumawag ka na lang ng mga pulis!
227
Jude: Oo sige, wag mong ibababa- Nelson, tumawag ka ng pulis dali! Hello Gwen?
Hello?!
Mapuputol ang tawag.
228
Gwen: Kainis, ba’t ngayon ka pa na-low bat!
Maya-maya ay mararamdaman ni
Gwen ang pagdating ng lalaki
229
Serna: Gwen, pwede ba, alam kong hindi ka pa nakakalayo. Lumabas ka na d’yan. Alam
mo, bilib din ako sa’yo eh, akalain mo yon bulag ka na nga nagawa mo pa kong
kantiin. Balita ko, magpupulis ka daw? Masyado ka namang dedicated sa trabahong
to, kung tutuusin, wala ka namang mapapala sa pagliligtas ng buhay ng iba.
Maglalakad ng dahan-dahan si
Gwen, palayo sa boses.
230
Serna: Huli ka!
234
Gwen: Ah!!!
Tatakbo si Gwen ng mabilis pero
maaabutan s’ya ni Serna.
235
Serna: Akala mo ba matatakasan mo ko?
236
Gwen: Bakit mo ba ginagawa to? Pulis ka di ba? May sinumpaan kang tungkulin, at
yun ang ipagtanggol ng kapakanan ng marami, pero ano’ng ginagawa mo? Ginagamit
mo ang trabaho mo para gawin ang mga gusto mo! Pumapatay ka ng mga inosenteng
buhay!
237
Serna: Tumahimik ka! Ano ba’ng pakialam mo? Pinili ko ang trabahong to para
magawa ko ang gusto ko. Pero dahil sa’yo nahuli ako ni detective.
238
Gwen: Kaya pinatay mo rin s’ya ganun ba?! Magbabayad ka! (i-isprayan ni Gwen ng
pepper spray ang mata ni Serna).
239
Serna: Ah!!! Hindi ka makakatakas!
Hihilahin ni Serna ang buhok ni
Gwen, at sasakalin ito.
240
Serna: (tatawa) Pinapahirapan mo ko ah, pero pasensya ka na mas malakas ako
sa’yo.
Maya-maya ay maririnig ang
sirena ng mga pulis.
241
Pulis 1: Detective Serna, sumuko ka na, napapalibutan ka na namin!
242
Serna: Sige, lumapit kayo, papatayin ko ang babaeng to! (tututukan ng patalim
si Gwen)
243
Pulis 2: Kapag hindi mo binaba yang patalim mo, ikaw ang babarilin namin!
244
Serna: Wala akong pakialam
245
Pulis 1: Ibaba n’yo ang mga baril n’yo!
246
Serna: D’yan lang kayo, walang susunod!
Ibababa ng mga pulis ang baril.
Gagamitin n’yang pananggalang si Gwen hanggang makalayo ng bahagya. Maya-maya
ay sisipain s’ya ni Gwen at tatakbo palayo. Babarilin ng pulis ang dalawang
binti ni Serna kaya hindi na n’ya mahahabol si Gwen. Huhulihin ng mga pulis ang
suspect.
247
Jude: Gwen, ayos ka lang ba?
248
Gwen: Oo, salamat sa tulong mo. Tapos na rin ang kaso sa wakas. (maiiyak)
Ikasiyam na Tagpo
Sa sementeryo. Makikita si
Gwen, ang mama niya at si Jude na
nakatayo sa harap ng mga puntod.
249
Gwen: Sayang no, dahil sa kasong ito, may mga buhay na nasakripisyo.
250
Jude: Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo. Sa totoo lang, bilib ako sa’yo. Kapag
nakalaya ako, ipinapangako ko na mag-aaral akong mabuti, at magiging magaling
din akong pulis na gaya mo. Dalawang taon lang naman ang sintensya ko.
251
Gwen: Basta ipangako mo na magpapakabait ka at hindi na magnanakaw ulit,
matutupad mo ang pangarap mo.
252
Jude: Oo pangako yan. Galingan mo sa training.
253
Gwen: Oo pangako ko rin yan sayo.
WAKAS
`

Comments
Post a Comment