Ang Paglalakbay ni Haman

   Illustration from Pixabay





Isinulat ni

Mariz Alliah K. Peñaflor

2020

 

 



 

Mga Tauhan

Gat Dimlang- mabuting datu. Ama nina Haman at Harib

Dayang Sayam- asawa ni Datu Dimlang. Ina nina Haman at Harib

Haman- panganay na anak. Matalino ngunit hindi mahilig makipaglaban

Harib- bunsong anak. Matapang at laging nais higitan ang kapatid sa lahat ng bagay

Anyag- kasintahan ni Haman. Pinakamagandang dilag sa barangay

Nahum- kanang-kamay ni Gat Dimlang

Gat Buteng- datu sa ikalimang pulo

 

 Tagpuan

 Pangasinan, prehispanic

 

Unang Yugto

 

Unang Tagpo

Makikita ang mga taumbayan na

 nagkakasiyahan. Sa gitna ng

kasiyahan ay lalapitan ni Harib si Anyag

 

001 Harib: Anyag… para sa iyo ang bulaklak na ito

002 Anyag: Ano na naman ba ito Harib? Alam mo naman na hindi ikaw ang gusto ko. Isa pa, ikakasal na ako sa kapatid mo.

003 Harib: bakit ba kasi hindi na lamang ako ang piliin mo. Ano bang mapapala mo sa aking kapatid? Hindi ka nya kayang ipagtanggol na kagaya ko. Isa pa,nakasisiguro ako na ako ang magmamana ng trono ni ama. Ikaw ang aking magiging dayang-dayang.

004 Anyag: Mukhang siguradong- sigurado ka na sa iyong sarili. Subalit hindi ikaw ang aking iniibig, kaya’t kahit ikaw pa ang maging datu ay hindi pa rin kita pipiliin. (aalis si Anyag. Maiiwan si Harib na hawak pa rin ang bulaklak)

 

Ikalawang Tagpo

Sa trono nina Datu Dimlang at Sayam.

Papasok si Haman.

 

005 Haman: Ama, ipagpaumanhin nyo po ang aking pagpagitan sa inyong usapan ni ina. Subalit mahalaga po ang aking sadya.

006 Gat Dimlang: Ano ba ng iyong nais anak?

007 Haman: Nababahala po ako ama ssapagkat patuloy pa rin ang panunuyo ni Harib sa babaeng sa akin ay nakatakda. Nakita ko siya kagabi na inabutan si Anyag ng bulaklak.

008 Gat Dimlang: Bakit hindi mo kausapin ang iyong kapatid?

009 Haman: Batid ninyo ang maaring mangyari kung akin siyang kakausapin. Hindi niya ako pakikinggan, bagkus ay sa isang alitan lamang mauuwi ang lahat.

010 Sayam: Tama si Haman. Mas mainam kung tayo na ang kakausap kay Harib nang sa gayon ay hindi na mag-away pa ang ating mga anak.

011 Gat Dimlang: Kung gayon ay ako na ang kakausap sa ating anak. Nahum, papuntahin mo rito si Harib.

012 Nahum: Masususnod po. (lalabas)

013 Haman: Maraming salamat ama, ina.

(aalis si Haman.)

014 Sayam: Ano na ba ang nangyayari sa ating mga anak? Hindi ko lubos maisip kung bakit tila ba lumalala ang kanilang alitan sa paglipas ng panahon. Aking asawa, hindi natin sila maaaring hayaang magkaganito.

015 Datu Dimlang: Naiintindihan kita mahal ko. Mag-iisip ako ng paraan upang pagkasunduin silang dalawa.

(darating si Nahum at Harib)

016 Nahum: Mahal na datu, narito na po ang inyong anak.

017 Harib: Ama, bakit nyo po ako ipinatawag?

018 Gat Dimlang: Nalaman ko na binigyan mo nanaman pala ng bulaklak si Anyag. Bakit mo iyon ginawa?

019 Harib: Kanino po ba nanggaling ang balitang iyan? Malamang sa duwag na si Haman, dahil siya lang naman ang kilala kong daig pa ang paslit kung magsumbong sa inyo.

020 Gat Dimlang: Anak. Hindi tama ang iyong ginawa. Alam mong si Anyag ay nakatanda nang ipakasal sa iyong kapatid.

021 Harib: Ama, hindi ba’t nakatakdang ipakasal kay Anyag ang susunod na magmamana ng inyong trono? Ibig sabihin, may pag-asa pa ako sa kanya.

022 Gat Dimlang: Ano ang nais mong iparating?

023 Harib: Ama, batid kong hindi mo nanaisin na ang isang katulad ni Haman, na hindi man lamang marunong gumamit ng kris o bangkaw ang pamamanahin ninyo. Hindi nya magagawang ipagtanggol ang barangay mula sa mga pirata na gaya ng kakayanan ko.

024 Gat Dimlang: Harib, hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan sa iyong kapatid. Hindi mo maaaring ikumpara ang inyong mga kakayanan. Ako pa rin ang datu at ang inyong ama, ako ang magsasabi kung sino ang karapat-dapat.

025 Harib: Patawad po ama.

026 Gat Dimlang: Sige na, humayo ka na.

(aalis si Harib)

 

Ikatlong Tagpo

 

Sa palayan. Magkikita si

Haman at Harib

027 Harib: sabi ko na nga ba at nandito ka… sa iyong palayan.

028 Haman: Ano nanaman ba ng iyong pakay? Hindi ko nais na patulan ka.

029 Harib: Batid ko yan kapatid ko. Hindi ka naman marunong makipaglaban hindi ba? Kahit kalian ay hindi mo ako matatalo

030 Haman: Kung tungkol nanaman ito sa trono ni ama, ay bahala ka na. Wala akong balak patulan ang iyong mga walang kabuluhang pagngangatwiran.

031 Harib: Walang kabuluhan? Ikaw ang walang kabuluhan! Kung hindi ka lang ipinanganak na panganay ay wala na sanang hadlang kay ama upang ako ang pamanahan dahil ako naman ang tunay na karapat-dapat. Pati si Anyag sa akin rin dapat napunta.

032 Haman: Siguro nga, subalit hindi ganoon ang ating kapalaran kapatid ko. Kaya kung ako sa’yo tanggapin mo na lamang ang katotohanang ako pa rin ang nagwagi sa ating dalawa.

033 Harib: bawiin mo ang sinabi mo!

(susuntukin ni Harib ang kapatid. Ibabalik ni Haman ang suntok)

Darating si Anyag kasama si Duray.

034 Anyag: Haman, Harib, tumigil na kayo. Ano nanaman ba ito? Harib umalis ka na dito.

035 Harib: Hindi kita maintindihan Anyag. Bakit ba hindi mo makita na hindi ka nararapat sa kanya?

036 Anyag: paki-usap, iwan mo muna kaming dalawa.

(inis na aalis si Harib)

037 Haman: Salamat mahal ko.

038 Anyag: Ano nanaman ba ang pinagtalunan ninyo?

039 Haman: Ang trono ni ama… at ang puso mo. Wala namang bago doon.

040 Anyag: Subalit sinabi ko na naman sa kaya na ikaw ang pinipili ko.

041 Haman: Anyag, kung tungkol ito sa kasunduan ng ating mga magulang ay hindi mo kailangang ituloy ang pakikipag-isang dibdib. Mas mahalaga sa akin ang iyong kaligayahan. Tama si Harib, marahil nga ay mayroon pang mas karapat-dapat para sa iyo.

042 Anyag: Ni minsan, hindi mo man lamang tinanong kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa iyo. Kaya paano mo nasasabi ang bagay na iyan?

043 Haman: Sapagkat natatakot akong marinig ang totoo mula sa iyo.

044 Anyag: Kung naduduwag ka sa iyo at sa aking nararamdaman, pinatutunayan mo lang na tama si Harib----

045 Haman: Mahal kita. Iyon ang totoo.

(ikagugulat ito ni Anyag.)

046 Anyag: ngayon ko lang narinig iyan mula sa iyo.

047 Haman: Mahal mo rin ba ako?

048 Anyag: oo Haman, mahal kita. Hindi mahalaga sa akin kung maging datu ka man o hindi. Mahal kita Haman.

[Music cue 2]

 

Ikaapat na Tagpo

Sa trono ni Datu Dimlang.

Makikita ang mag-asawa

Papasok ang magkapatid.

 

049 Gat Dimlang: Hindi na ako magtataka kung bakit mayroong pasa ang inyong mga mukha. Malamang ay nagtalo kayong dalawa.

050 Sayam: Hindi na ako natutuwa sa inyong mga asal. Ganyan ba ang itinuro naming sa inyo? Ganyan baa ng ugali ng susunod na magmamana ng trono ng inyong ama?!

050 Haman: Patawad po ina, patawad ama.

051 Harib: Patawad po ina, ama.

052 Gat Dimlang: kami ng inyong ina ay saglit na mawawala upang ayusin ang kasunduang pangkalakalan sa mga barangay sa hilaga. Kayong dalawa ang maiiwan upang maging aming kinatawan sa kapulungan ng mga matatanda sa barangay. Hindi ko nais na makarinig ng kahit anong reklamo mula sa ating mga mamamayan dahil sa pag-aaway ninyong dalawa!

053 Haman: Naiintindihan po namin ama.

054 Gat Dimlang: mabuti naman kung gayon.

 

 

 

 

Ikalimang Tagpo

Sa kapulungan ng matatanda

sa barangay.

 

056 Haman: Batid ninyong umalis sina ama at ina upang ayusin ang pakikipagkalakalan sa hilaga. Inaasahan ko ang inyong pagtulong sa amin ni Harib upang maisaayos ang mga gawaing iniwan niya.

057 Matanda 1: wala kang dapat ipag-alala Haman. Ikinagagalak kong makita na malalaki na nga kayong talaga at handa na sa ganitong mga tungkulin.

058 Haman: Masaya akong marinig iyan. Sa loob ng isang linggo ay ako muna ang mamamahala sa hukuman at sa mga suliraning patungkol sa pagtatanim, samantalang si Harib naman ang mamamahala sa hukbo at sa mga tungkuling may kaugnayan sa dagat at pakikipagkalakalan sa labas.

059 Matanda 2: Kung gayon ay wala na palang dapat alalahanin sapagkat inaayos na ng mahal na Datu ang lahat bago pa siya umalis.

 

Ikaanim na Tagpo

(unang bahagi)

Sa palayan.

Habang nililibot ni Haman

ang mga palayan

(lalapitan ni Haman ang isa sa Maharlika na namamahala sa palayan)

060 Haman: Kumusta ang mga ayuey? Ang ani?

061 Maharlika 1: Mahina ang ani, Lakan Haman. Hindi kinakaya ng ayuey ang itinakda ng Gat Dimlang na dami ng ani. Malakas ang daloy ng tubig sa palayan, kaya’t nasisira ang mga pananim.

061 Haman: Hayaan nyo at aking sasabihin ang inyong hinaing. Kayo’y makakasigurado na magkakaroon kami ng kalutasan rito ni Gat Dimlang.

 

(ikalawang bahagi)

062 Maharlika 2: Harib, mukhang may paparating sa dakong ito. Balita ko ay may mga pirating madalas pumarito upang nakawin ang mga oregeras na ating ikinakalakal sa mga karatig pulo.

063 Harib: Tama ba ang narinig ko? Tinawag mo lang ako sa aking pangalan? Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang susunod na datu ng lupaing ito. Lakan ang dapat mong itawag sa akin.

064 Maharlika 2: Subalit si Haman ang tagapagmana ni Gat Dimlang.

065 Harib: Nagkakamali ka. At sisiguraduhin ko na kapag ako na ang datu, pagsisisihan mo ang hindi pagbibigay-galang sa akin.

(mapapatikhim ang maharlika.)

066 Harib: Sige na tipunin ang mga alipin. Ihanda ang mga armas. Sasalubungin natin ang mga dayo. Wag muna kayong gumawa ng marahas na hakbang hangga’t hindi natin nasisigurado na sila nga ang mga pirating nagnanakaw ng ating mga kalakal.

(aalis ang maharlika upang tipunin ang mga alipin)

 

Ikapitong Tagpo

Pagbabalik nina Gat Dimlang at Dayang Sayam.

 Sasalubungin nina Haman, Harib at

ng mga matatanda.

067 Haman: Ama, ina, mabuti at ligtas po kayong nakabalik

068 Harib: Maligayang pagbabalik ama, ina.

069 Gat Dimlang: Nabalitaan ko mula kay Nahum ang inyong naging pamamalakad habang ako’y wala. Ikinagagalak kong marinig na pinagbuti ninyo ang pagtupad sa mga tungkuling aking inilagay sa inyong mga kamay.

070 Matanda 3: Malalaki na nga talaga ang iyong mga anak. Sa palagay ko ay handa na silang pamunuan ang ating barangay.

071 Haman: Salamat po.

072 Gat Dimlang: Kung gayon, bakit hindi natin ito ipagdiwang? Nahum, maghanda ng isang malaking salu-salo upang ipagpunyagi ang aking mga anak!

 

Ikawalong tagpo

Makikita ang buong barangay na

nagsasaya. Muling lalapitan ni

Harib si Anyag

073 Harib: Kahit saan ako tumingin ay angat na angat talaga ang iyong taglay na ganda.

074 Anyag: Harib, hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na tumigil ka na sa panunuyo sa akin? Si Haman ang aking iniibig.

075 Harib: Tiyak na magbabago pa ang iyong isip kapag ako na ang naging datu.

076 Anyag: Hindi ito tungkol sa yaman o antas Harib, ito ay tungkol sa pag-ibig.

077 Harib:(magbibigay ng mapanuksong ngiti) hanggang sa muli mahal ko.

(aalis si Harib. Lalapit si Gat Dimlang kay Anyag. Kanina pa pala ito nakikinig sa kanilang usapan.)

078 Gat Dimlang: Anyag, sinususyo ka nanaman ba ni Harib?

079 Anyag: Mahal na lakan, nandyan po pala kayo. Hindi ko po kagustuhan ang paglapit ni Harib.

080 Gat Dimlang: Huwag kang magalala Anyag. Matagal ko nang batid ang bagay na iyan. Alam kong hindi mo iyon kagustuhan.

081 Anyag: Salamat po Gat Dimlang.

082 Gat Dimlang: Sa susunod na gawin niya iyong muli, sabihin mo sa kanya na talunin muna ang datu sa ikalimang pulo, kilala si Gat Buteng sa lakas at tapang niya. Wala pang pirata ang nakauwing buhay matapos siyang makaharap. Kapag sinabi mo sa kanya ang birong ito ay paniguradong titigilan ka na niya.

083 Anyag: Ngunit lakan, hindi kaya’t paniwalaan niya ang birong ito? Paano kung hindi po siya tumigil, bagkus ay pumaroon pa upang subukin ang kakayanan niya?

084 Gat Dimlang: Wag kang mag-alala Anyag, kilala ko ang aking anak. Basta’t sundin mo lamang ang sinabi ko sa iyo.

085 Anyag: Subalit lakan-                       

(hindi na hihintayin pa ng datu ang sasabihin ni Anyag bago umalis.)

 

Ikasiyam na tagpo

Kinabukasan. Habang nag-uusap sina

Gat Dimlang at Nahum, darating

Si Harib

086 Nahum: Mahal na lakan, tila yata lumalala ang alitan sa pagitan ng inyong mga anak. Sino po ba talaga ang pamamanahan ninyo ng trono?

087 Gat Dimlang: Napansin mo rin pala. Batid kong labis ang pag-asam ni Harib sa tungkuling ito. Subalit si Haman ang nais kong mamunong kasunod ko. Hindi dahil sa siya ang panganay kundi nakikita ko sa kanya ang katangian ng isang mabuting datu. Alam kong mas matapang ang anak kong si Harib sa kanya, subalit higit sa lakas at tapang, nakikita ko kay Haman ang karunungang kailangan upang maayos na mapamunuan ang ating nasasakupan.

(mapapahinto si Harib sa kanyang narinig. Hindi na niya itutuloy ang pagpasok sa loob)

 

Ikasampung Tagpo

Sa labas ng tahanan

Nina Gat Dimlang

088 Harib: (susuntukin ang puno) Hindi! Hindi maaari! Pagkatapos ng lahat ng aking ginawa, si Haman pa rin ang kanilang nakikita? Hindi ba ako karapat-dapat? Sa lahat ng bagay ay sinubukan ko siyang higitan, bakit hindi man lang iyon makita ni ama! Tama, kung hindi ko makukuha ang trono, pinapangako kong aagawin ko sa kanya si Anyag. Hindi ako makakapayag na magwagi ka Haman.

(dali-daling pupunthan si Anyag)

089 Duray: Anyag, naririto nanaman ang iyong masugid na manliligaw.

090 Anyag: Sige na Duray, pumasok ka na sa loob. Akon a ang bahala sa kanya.

091 Duray: Sigurado k aba diyan? Baka kung ano ang gawin niya sa iyo.

092 Anyag: Huwag kang mag-alala kaya ko na ang aking sarili

(aalis si Duray)

093 Anyag: Bakit ka nandito?

094 Harib: masama bang makita ang babaeng minamahal ko?

095 Anyag: Harib, hindi ako ang para sa iyo

096 Harib: At para kanino ka, kay Haman? Bakit ba lahat na lang ng bagay ay napupunta sa kanya? Ano ba ng dapat kong gawin para ako naman ang piliin mo?

097 Anyag: Harib… tigilan mo na ito

098 Harib: Hindi Anyag! Ikaw lang ang gusto ko (hahawakan sa braso)

099 Anyag: Hindi nga maaari. Ikakasal na kami!

100 Harib: Wala akong pakialam! Sasayangin mo lang ang buhay mo sa kanya!

101 Anyag: Ano ba Harib, kalapastanganan ang ginagawa mo! Sige! Gagawin mo ba ang lahat para sa akin?!

100 Harib: Kahit ano.

101 Anyag: (aagawin ang braso) Kung totoong mahal mo ako, talunin mo ang pinakamalakas na datu sa ating kapuluan. Labanan mo ang datu sa ikalimang pulo. Malakas ka hindi ba? Kung gayon, patunayan mo. Baka sakaling doon ay mapagbago mo ang isip ko.

(mapapahinto si Harib)

102 Harib: Nagbibiro ka ba Anyag? Alam mong wala pang pirating nakabalik ng buhay matapos magtungo sa kaniyang lupain. Ito ba ng paraan mo upang paalisin ako ng tuluyan sa buhay mo?

103 Anyag: Hindi iyon ang ibig kong sabihin Harib. Nais ko lang naman ipabatid na wala ka nang pag-asa sa akin.

104 Harib: Huwag mo akong hamunin Anyag, dahil wala akong hindi kayang gawin para sa iyo!

105 Anyag: Para sa akin? O para sa mga layunin mo?

106 Harib: Bahagi ka ng aking pangarap Anyag, at sisiguraduhin kong sa akin ka mapupunta

(aalis si Harib)

 

Tapos ng unang Yugto.

 

Ikalawang Yugto

Unang Tagpo

Makikita si Harib kasama ang ilang

Maharlika at alipin na inihahanda

ang layag

107 Harib: Kung handa na ang lahat ay maglalayag na tayo patungo sa ikalimang pulo.

108 Maharlika 3: ngunit Harib-

109 Harib: Lakan!

110 Maharlika 3: Ipagpaumanhin mo… lakan Harib, subalit hindi mob a ipapaalam sa iyong ama ang paglalakbay na gagawin mo patungo sa ikalimang pulo?

111 Harib: Ipaparating ko rin ito sa kanya, subalit hindi muna ngayon upang hindi niya mapigilan ang aking paglalakbay.

112 Maharlika 3: Kung gayon ay papaano?

113 Harib: Bumalik ka sa ating barangay. Palipasin mo ang maghapon at saka mo puntahan si ama upang sabihin ang balita. Sa ganitong paraan ay hindi na niya ako masusundan.

114 Maharlika 3: Kung gayon ay makaaasa ka sa aking pagtugon.

115 Harib: Salamat. Aking mga kasama humayo na tayo bago pa man kumagat ang dilim!

(sisimulan nina Hari bang paglalakabay)

 

Ikalawang Tagpo

Makikita sina Harib

na naglalakbay

116 Gayo: Gat Buteng, mayroon pong mga pirata na paparating!

117 Gat Buteng: Ihanda ang mga alipin. Sasalubungin natin ang mga dayong ito!

118 Gayo: Masusunod po lakan!

(makikitang dadaong ang mga balasa nina Harib sa pangpang. Sasalubungin sila nina Gat Buteng)

119 Gat Buteng: Maligayang pagdating sa aming pulo. Sa hinuha ko ay hindi kayo mga mangangalakaal. Ano ang pakay n’yo rito?

120 Harib: ikaw pala si Gat Buteng. Huwag kang mag-alala hindi kami mga pirata. Kami ay inyong mga kaibigan.

121 Gat Buteng: Kaibigan. Kung gayon ay ipakilala mo ang iyong sarili.

122 Harib: Ako si Harib pangalawang ang anak ni Gat Dimlang. Ang susunod na datu ng aming pulo.

123 Gat Buteng: Pangalawang anak… kung gayon ay papaano ka naging tagapagmana?

124 Harib: Ibahin ninyo ako. Walang sinuman ang makahahadlang sa aking mga kagustuhan.

125 Gat Buteng: Nakikita ko nga sa iyong pananalita ang iyong tapang.

126 Harib: Tatanggapin n’yo ba kami sa inyong tahanan?

127 Gat Buteng: (mapanuksong ngiti) Subalit hindi kami tumatanggap ng mga panauhing may armas.

128 Harib: Masyado naman yata kayong nag-aalala. Hindi naman kami naparito upang kayo’y lupigin.

129 Gat Buteng: Kung gayon, ibigay n’yo sa amin ang inyong mga armas.

130 Harib: At paano naman ako nakasisigiro na hindi n’yo kami papaslangin? Kilala ka sa buong kapuluan bilang isang datung marahas, hindi kami maaaring magtiwala ng lubusan.

131 Gat Buteng: (Isesenyasan ang isang tauhan) Kung gayon ay hindi namin kayo matatanggap. Lisanin ninyo ang aming pulo ngayon din!

132 Harib: Napakainit naman ng inyong pagbati. Kasing init ng inyong ulo. (magtatawanan ang mga kasamahan ni Harib)

133 Gat Buteng: Lapastangan! Hinahamak mob a ako sa sarili kong lupain? (magtataas ng aramas sina Gat Buteng)

134 Harib: Dumating kami rito ng mapayapa, subalit hindi naging mabuti ang inyong pakikitungo. Pagsisisihan ninyong nakaharap niyo ako!

(magsisimula ang labanan.Ipapakita ang pagkagapi nina Harib)

 

Ikatlong Tagpo

Sa bahay nina Gat Dimlang makikita

si Sayam na hindi mapakali

135 Dayang Sayam: Mahal ko, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Harib? Nag-aalala na ako para sa kanya.

136 Gat Dimlang: Huwag kang mabahala. Marahil ay nalibang lamang siya sa pangangaso kasama ng kanyang mga tauhan. Kilala mo naman ang ating anak.

137 Dayang sayam: Subalit kahapon pa siya umalis, hindi ba’t nakababahala na hanggang ngayon ay hindi pa sila bumabalik?

138 Haman: Ama, ina, kung inyo pong pahihintulutan ay magpapadala na ako ng mga alipin upang suyurin ang buong barangay, maging ang mga karatig pa upang hanapin sila.

139 Dayang Sayam: Tama ka anak, gawin mo na ang dapat mong gawin.

(aalis n asana si Haman subalit papasok si Nahum kasama ang maharlikang inutusan ni Harib upang maghatid ng balita)

140 Nahum: mahal na datu, may nais pong sabihin sa inyo ang maharlikang ito.

141 gat Dimlang: Sige, magsalita ka.

142 maharlika 3: Ako po ay isa sa mga tauhan ng inyong anak na si Harib. Naparito po ako upang sabihin sa inyo ang balitang ito. Si Harib ay naglakbay kahapon patungo sa ikalimang pulo upang harapin si Gat Buteng. Patawad po at ngayon ko lamang ito nasabi sa inyo sapagkat mahigpit pop niya akong binilinan na palipasin muna ang maghapon bago ako magtungo rito. 

143 Haman: Lapastanga! Alam mo ba ang maaring mangyari dahil hindi mo agad sinabi ang iyong nalalaman? Hindi mob a kilala ang datu ng pulong iyon? Dahil sa iyong ginawa ay maaari na kitang ipapatay ngayon din!

145 gat Dimlang: Haman, huwag kang maging padalus-dalos sa iyong mga pasya!

146 Haman: Patawad ama, subalit hindi ko maaaring palampasin ang kalapastanganang ito. Alam naman natin na lubhang mapusok ang aking kapatid at nasisiguro kong biglaan ang kanyang naging pagsugod. Sa ganoong lagay ay hindi niya madadaig ang datung tuso at bihasa sa labanan!

147 Gat Dimlang: Tama ka aking anak, subalit hindi ganoon ang mabuting hatol. Tandaan mon a inutusan rin lamang siya upang maghatid ng balita. Marahil ay hindi rin niya kagustuhan ang ganitong kahadlangan. Ang isang mabuting pinuno ay hindi nagpadala sa kabig ng damdamin sa kanyang pagpapasaya.

148 Haman: patawad ama.

149 Gat Dimlang: Sige na, humayo ka na. Maraming salamat sa balitang iyong hatid.

(aalis ang maharlika.)

150 Sayam: Mahal ko, tama ng ang kutob ko, may hindi magandang nangyari sa ating anak.

151 Gat Dimlang: Huwag kang mag-isip ng ganyan Sayam. Ililigtas natin ang ating anak. Haman, tipunin ang ating hukbo. Ngayon din ay maglalayag kayo patungo sa ikalimang pulo upang iligtas ang iyong kapatid.

156 Haman: Masusunod po ama

157 Dayang Sayam: Mag-iingat ka anak.

158 Gat Dimlang: baunin moa ng aming basbas

159 Haman: Maraming salamat ina, ama.

(aalis si Haman)

 

Ikaapat na Tagpo

Sa tabing-dagat. Habang

Naghahanda sina Haman sa

Pag-alis. Darating si Anyag

160 Anyag: Haman, narinig ko ang iyong nakatakdang paglalakbay.

161 Haman: Napakabilis ng balita

162 Anyag: Patawarin mo ako. Kung hindi dahil sa akin ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.

163 Haman: Ano ang ibig mong sabihin mahal ko?

164 Anyag: Pinuntahan akong muli ni Harib kahapon. Naalala ko ang sinabi ni Gat Dimlang sa akin, na kapag ginulo niya akong muli, ay sabihin kong talunin niya muna ang magaling na datu sa ikalimang pulo upang ako’y kanyang mapapayag. Akala ko, sa pamamagitan nito ay mawawalan na siya ng pag-asa at tuluyan na akong titigilan dahil wala pang nakakatalo sa kanya. Subalit mali ako, hindi ko lubos maisip na magkakaganito

165 Haman: Mahal ko, wag mong sisihin ang iyong sarili. Alam kong hindi mo iyon kagustuhan. Magtiwala ka sa akin. Maililigtas ko siya at makababalik kaming muli.

166 Anyag: Hindi ko mapapatawad ang aking sarli kung may masamang mangyari sa inyong dalawa.

167 Haman: Huwag mong isipin iyan, walang masamang mangyayari. Sige na mahal ko, kailangan ko nang umalis.

168 Anyag: Mag-iingat ka.

169 Haman: Pangako, mag-iingat ako.

(maglalayag sina Haman kasama ang kanyang mga tauhan.)

 

Ikalimang Tagpo

Sa pulo nina Gat Buteng. Dadaong

Ang balsa nina Haman

170 Gat Buteng: Sino kayo? At ano ang ginagawa n’yo sa aming pulo?

171 Haman: (magbibigay-galang) Ipagpaumanhin niyo po ang pagdaong ng ganito karaming tao sa inyong pulo. Kami po ay nagmula sa pulong pinamumunuan ni Gat Dimlang. Ako si Haman ang panganay niyang anak. Nais po naming makausap ang datu ng lugar na ito.

172 Gat Buteng: Ako si Gat Buteng, ang datu ng pulong ito. Ano ang nais mo ginoo?

173 Haman: Ipinadala po ako ng aking ama rito upang iligtas ang aking kapatid. Batid kong siya’y naparito upang kayo’y harapin. Lulan ng aming mga balsa ang mga handog na aming dinala upang kunin ang inyong loob. Nawa’y tanggapin ninyo kami ng mapayapa.

174 Gat Buteng: Ikaw pala ang isa pang anak ni Gat Dimlang. Tama ka, bihag ko nga ang iyong kapatid. Paano ko masisiguro na maganda ang iyong hangarin?

175 Haman: Handa po kaming sumunod sa inyong mga ipag-uutos.

176 Gat Buteng: Kung gayon, ibababa ninyo ang inyong mga armas.

177 Haman: (alanganing lilingunin ni Haman ang mga kasama) Mga kasama ibaba ninyo ang inyong mga armas.

178 Maharlika 2: Subalit Lakan Haman, hindi tayo nakatitiyak na mapagkakatiwalaan natin ang kanyang mga salita.

179 Haman: Alam ko iyan subalit kailangan natin kunin ang kaniyang tiwala.

180 Maharlika 2: paano kung patibong lamang ang lahat ng ito? Paano natin maipagtatanggol ang ating mga sarili?

181 Haman: tama ka. Kung sakaling ito ay patibong lamang, gamitin ninyong sandata ang anunmang inyong makikita.

182 Gat Buteng: Mga kasama kunin ang kanilang mga sandata!

183 Haman: Inaasahan kong hindi n’yo kami lilinlangin sa tiwalang ibinigay naming sa inyo mahal na datu.

184 Gat Buteng: Huwag ka mag-alala ginoo ako ay isang datung may paninindigan. Hindi ako umikitil ng kalabang walang armas.

185 Haman: Maraming salamat.

186 Gat Buteng: Gayo, ipaghanda ng ng makakain an gating mga panauhin.

187 Gayo: Masusunod po.

(aalis si Gayo)

187 Haman: Gat Buteng kung mamarapatin ninyo ay hindi po naming nais magtagal. Batid n’yo naman na an gaming pakay ay mabawi lamang ang aking kapatid.

188 Gat Buteng: Paano iyan, hindi ko pa naman ugaling pakawalan ang aking mga bihag.

189 Haman: Handa po kaming ibigay ang anumang hingin ninyo kapalit ang kalayaan niya. Mayaman ang aming pulo.

190 Ga Buteng: (bahagyang matatawa) Mayaman rin ang lupang tinatapakan n’yo kaya’t hindi ako masisilaw sa inyong mga handog.

191 Haman: Marahil ay may iba pa kayong nais hilingin? Malugod kaming tatalima mapapayag lamang naming kayo sa aming layunin.

192 Gat Buteng: Nakikita kong masidhi ang iyong kagustuhan na mailigtas ang iyong kapatid. Kung gayon, papayagan kitang mabawi siya kung iyong mapagtatagumpayan ang tatlog pagsubok.

193 Haman: At paano kung hindi ako magtagumpay?

194 Gat Buteng: Papaslangin ko ang iyong kapatid subalit palalayain kita at ang inyong mga kasama. Tinatanggap mob ang aking hamon?

195 Haman: Kung ito lamang ang natatanging paraan.

 

Ikaanim na Tagpo

Makikta si Haman sa may

Kagubatan

196 Gat Buteng: (v.o.) Ang iyong unang pagsubok, kailangan mong mapatay ang mabangis na hayop na sumasalakay sa aming mga mangangaso. Kapag nagawa mo iyon papayagan kitang Makita ang kalagayan ng iyong kapatid.

(ipakikita si Haman na nuong lakas na binubuno ang mbangis na hayop. Magwawagi ito.)

197 Haman: Harib

198 Harib: Anong ginagawa mo rito?

199 Haman: Ipinadala ako ni ama upang iligtas ka.

200 Harib: Hindi ko kailangan ang iyong tulong. Mas gugustuhin ko pang magapi at mamatay kaysa magkaroon ng pagkakautang sayo.

201 Haman: Hindi man lamang ba sumagi sa iyong isip si ina? Labis mo siyang pinag-aalala!

202 Harib: Huwag kang magkunwaring huwaran sa harap ko Haman!

203 Haman: Hindi ako naparito upang makipagtalo sa iyo. Ilalabas kita rito para sa ating mga magulang at hindi upang magmalaki.

(aalis si Haman.)

 

Ikapitong Tagpo

Makikita si Haman sa tahanan

ni Gat Buteng

204 Gat Buteng: Magaling ang iyong ipinakita. Ang buong akala ko ay hindi ka marunong makipaglaban. Subalit tingnan natin kung malampasan mo pa ang aking susunod na pagsubok. Gayo, papasukin ang mga alipin.

206 Gayo: Masusunod po.

(lalabas si Gayo. Pagdating niya ay may kasama siyang dalawang alipin na babae.)

207 Gat Buteng: ang mga aliping ito ay isinakdal ang isa’t isa sa salang pagpatay sa isang maharlika. Ngayon, nais ko’ng malaman kung sino sa kanila ang tunay na may sala.

208 Haman: Mga ginang maaari ko bang malaman ang nangyari?

209 alipin 1: Kagabi, nakita ko ang babaeng ito na may hawak na matulis na kahoy. Puno ito ng dugo. Tinanong ko siya kung saan ito nagmula pero hindi siya sumagot. Pagkatapos, nakita ko na lamang ang aming amo na wala nang buhay sa palayan! Puno ng saksak ang kanyang dibdib. Tinakpan ng mga dayami ang kanyang katawan upang walang makakita!

210 alipin 2: Hindi totoo iyan! Huwag mong baligtarin ang mga nangyari. Ako po ang nakakita sa kanya na may hawak na kahoy na puno ng dugo! Nagsasabi ako ng totoo. Tinanong kita kung saan mo nakuha ang mga dugo subalit ang sabi mo ay itinaboy mo lamang ang mabangis na hayop na sumisira ng mga pananim. Ipinahawak mo lamang sa akin ang kahoy kaya’t nagkaroon din ako ng mga dugo!

211 alipin 1: Maniwala po kayo sa akin. Nakita ko po ang buong pangyayari! Siya po ang pumatay!

212 Gat Buteng: Ngayon Haman, sino sa kanila ang nagsasai ng totoo.

(bahagyang mag-iisip si Haman)

213 Haman: Ang nagsisinungaling sa kanilang dalawa y ang unang alipin.

214 Gat Buteng: At paano mo naman ito mapapatunayan?

215 Haman: Kung ating pag-aaralan ang kanilang mga kuwento, papaanong nalaman ng babaeng ito ang kabuuan ng pagpatay kung wala siya sa pinangyarihan nito? Tila ba alam na alam niya ang buong kaganapan at iyon ay lubos na nakapagtataka.

216 Gat Buteng: Magaling ang iyong sagot. Patayin ang aliping ito!

(lalabas ang ilang alipin bitbit ang babae.)

217 alipin 2: Maraming salamat po mahal na datu. (aalis)

218 Gat Buteng: Muli mo akong napamangha Haman.

219 Haman: Maraming salamat po.

220 Gat Buteng: Subalit huwag ka munang magdiwag sapagkat may huli pa akong pagsubok para sa iyo. Gayo, papasukin ang bihag!

(papasok si Gayo tangan-tangan si Harib)

221 Gat Buteng: Kagaya ng ating napag-usapan, kapag naipasa mo ang aking mga pagsubok ay palalayain ko ag iyong kapatid. Subalit isa lamang sa inyo ang makakaalis ng buhay rito sa aking lupain.

222 Haman: Ano ang ibig mong sabihin?

223 Gat Buteng: Hindi ba’ sinabi ko sa iyo na hindi ako nagpapalaya ng bihag? Kaya mamili ka Haman, makakalaya ang iyong kapatid ngunit ikaw ay aking papaslangin, o makakaalis ka rito subalit mamatay ang kapatid mo? Ano ang iyong pasya?

223 Haman: Hindi ganito ang inaasahan kong gagawin mo!

224 Gat Buteng: Wala akong ipinangako sa’yo binata.

225 Haman: Hindi ko maaaring iwan rito ang aking kapatid.

226 Harib: Anong uri ng pangangatwiran iyan Haman? Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na umalis ka na sapagkat kaya ko ang aking sarili? Nagpasya akong pumarito kaya’t walng sino man ang may pananagutan sa aking buhay kundi ako lamang!

227 Gat Buteng: Kung gayon ay magpapaiwan ka Harib? Akala ko ba ay nais mong mawala sa landas moa ng iyong katunggali sa trono ng inyong ama?

228 Harib: Aanhin ko ng trono kung mamakukuha ko lang ito sa paraang ganito? Hindi iyon ang karangalang nais ko.

229 Gat Buteng: Kung gayon, Gayo kunin mo si Harib at patayin!

230 Haman: Hindi kami makakpayag! Patayin n’yo muna kaming lahat! (maagaw ng mga tauhan ni Haman ang ilan sa mga armas ng mga alipin ni Gat Buteng)

Darating si Gat Dimlang.

231 Gat Dimlang: Haman, ibaba ninyo ang inyong sandata. Huli na ba ako ng dating?

232 Gat Buteng: Tamang-tama lamang kaibigan.

233 Harib: Ama, anong ibig sabihin nito?

234 Gat Buteng: Ibaba n’yo ang inyong mga armas. (ibababa ng mga tauhan ni Gat Buteng ang kanilang mga armas)

235 Gat Dimlang: Haman, ibaba rin ninyo ang inyong mga armas.

236 Haman: Subalit ama, sila ay kalaban!

237 Gat Dimlang: Magtiwaa kayo sa akin mga anak.

(sa gayon ay susunod sina Haman.)

238 Harib: Ama ano ang nagyayari? Bakit n’yo kinakatigan ang ating kalaban?

239 Gat Dimlang: Pakinggan n’yo muna ako. Ang lahat ng pangyayaring ito ay aming napagkasunduan ni Gat Buteng upang pagkasunduin at subukin kayong dalawa. Batid ko’ng ang aking trono ang inyong palaging pinagtatalunan gayong nakatakda na ang nararapat magmana nito. Nais kong ipakita sa inyo ang totoong buhay ng isang pinuno upang kayo ay matuto.

240 Gat Buteng: Ipagpaumanhin ninyo Gat Dimlang kung kinailangan kong gawing bihag ang inyong anak.

241 Gat Dimlang: Huwag kang mag-alala kaibigan, alam kong maganda ang iyong layunin.

242 Harib: Patawad ama. Alam kong kasalanan ko ang lahat.

243 Gat Dimlang: Patawad rin anak sa aking ginawa. Ang mahalaga ngayon ay walang nasaktan sa inyo.

244 Gat Buteng: Kung gayon ay wala nang dahilan upang tutukan pa natin ng sandata ang isa’t isa; at bilang handog sa ating mga panauhin, Gayo, maghanda ng isang piging para kina Gat Dimlang!

245 Gayo: masusunod po.

(aalis si Gayo)

 

Ikawalong Tagpo

Sa piging nina Gat Buteng.

Makikita ang mga tao na nagkakasiyahan

246 Anyag: Haman!

247 Haman: Masaya ako at nakarating ka!

248 Anyag: Mas masaya akong makita kang muli. Nalaman ko ang mga naganap.

249 Haman: Anyag, maaari ba kitang maging dayang-dayang?

250 Anyag: Karangalan ko ang maging asawa ng isang magiting na datu.

 

WAKAS

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Comments