Ni Mariz Alliah Peñaflor
Akyat panaog ang mga anino
Isang larawan
Mula sa masasayang alaala.
Ang sabi ko noon
Pabibilisin ko ang mga araw
Ng ating pagtanda.
Lilibutin ko ang mundo
Kahit nag-iisa.
Ang panahong lumipas
Tila ba musika sa ating lumang radyo
Pagmulat ng mga mata ko
Isang dapithapon
Huminto na pala
Hanggang sa tuluyang naglaho.

Comments
Post a Comment